Chapter 40

717 24 1
                                    

Ilang lingo na ang nakakalipas. Sa tuwing sinusubukan akong kausapin o lapitan ni Kai ay iniiwasan ko siya. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay hindi pa ako handang kausapin siya. Kami naman ni kapre ay mas naging malapit pa sa isa't isa. Kagaya na lang ngayon.

"Kapre 'di ko alam paano 'to i-solve. Oo't matalino ako sa math pero ang hirap ng isang 'to." Reklamo ko sa kaniya. Nasa library kami dahil dito kami pinapunta ng professor namin para gumawa ng essay at pinapasolve niya rin sa amin ang math problem na kanina pa nagpapa-stress sa akin samantalang si kapre ay nagbabasa ng ibang libro na hindi related sa topic dahil kanina pa siya tapos.

"Kapag itinuro ko sa 'yo kung paano i-solve 'yan,  parang ako na rin ang sumagot."

Napa-poker face na lang ako. Buwiset na 'to. Muli kong sinubukang i-solve ang math problem na ito sa kahit anong paraan base sa formula. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga kaya. Binaling ko ang tingin sa mga kaklase ko. Lahat sila ay abala maliban kay Kai na mukhang tapos na rin. Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Nakasimangot kong binalingan si Kapre. "Penge na lang example please." Nakanguso kong pakiusap sa kaniya. Malapit na rin kasi maubos ang 40 minutes na ibinigay sa amin ng professor namin.

"'Wag ka ngang ngumuso. Baka hindi ako makapagpigil ay halikan kita rito kahit maraming nakakakita."

Sa takot na baka totohanin niya ang sinabi ay tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kanang kamay ko. "Penge na lang kasi ng example."

"'Yan dapat ang sinabi mo kanina pa. Baka kanina ko pa ginawa."

Agad na hinawakan ko ang kamay niya nang mapansing nagsusulat siya ng example. Sinasagot na niya nang mabilis at alam kong hindi ko rin maiintindihan. "Hindi mo ituturo sa akin?" 

Inosente niya akong tinignan. "Hindi. Example lang hiningi mo eh."

Inirapan ko siya't hinintay na lang siyang matapos. Hinablot ko ang notebook niya nang iabot niyo iyon sa akin. Tinignan ko ang example na ginawa niya sa akin at hindi ko maiwasang humanga sa kaniya dahil sa linis at ganda ng kaniyang sulat.

"Alam kong maganda ang writing ko susi, ganiyan kasi ang writing ng isang guwapong kagaya ko ngunit kahit gaano pa 'yan kaganda ay kailangan mo nang sagutin 'yang activity mo dahil konting minuto na lang ay matatapos na ang ang oras na binigay sa atin ng prof natin."

Hindi ko siya pinansin dahil sinusubukan ko pang alamin kung paano niya na-solve ang binigay niyang example. Unti-unti ay gumuguhit ang matagumpay na ngiti sa labi ko nang unti-unti kong naunawaan ang example na ibinigay niya at hindi ko na namamalayan ay sinasagot ko na pala ang activity ko.

"Finish!" Magiliw na sigaw ko dahilan para lingunin ako ng mga kaklase ko at masita ng librarian. Agad akong humingi ng paumanhin tapos ay nakangiti kong pinagmasdan ang sagot ko at para akong lumilipad dahil alam ko sa sariling tama ang ginawa ko.

"Ang talino mo talaga sa math pero sa ibang subject ewan ko lang."

Agad na nawala ang ngiti ko at sinamaan ng tingin si Bryan. How dare him to remind me that. "'Wag mo ngang sirain ang masayang moment ko."

"Sorna susi ko. Mahal kita..."

"I hate you." Naglaho ang kaniyang ngiti at biglang lumungkot ang kaniyang mukha. "Dahil palagi mo na lang akong pinapakilig." Ngumisi ako saka siya kinindatan gaya ng palagi niyang ginagawa sa akin.

Naglaho ang lungkot sa mukha niya at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilin ang kaniyang ngiti pero bigo siya dahil unti-unti ay gumuguhit ang kinikilig na ngiti sa kaniyang mga labi hanggang sa nauwi 'yon sa mahinang pagtawa.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now