Chapter 16

763 32 1
                                    

KEY ANNE'S  POV

Lunes ngayon at may klase na. Nagkaklase ngayon pero hindi ako nag-abalang pumasok. Wala akong ganang mag-aral ngayon kaya heto ako't naglilibot. Kapag may matatanaw na gurong papalapit ay agad akong nagtatago. Ako lang yata ang nag-iisang estudyanteng nasa labas ng ganitong oras. Wala ka man lang kasing makita ni isa. Lahat ay nasa kani-kaniyang sariling silid aralan. Mabuti na rin ang ganito para walang sakit sa mata at sakit sa tainga.

Muli akong nagtago sa likod ng pader para iwasan ang gurong papadaan. Nakahinga ako nang maluwang nang lumagpas na siya sa akin.







BRYAN OLIVER'S POV

Habang naglalakad pabalik ng classroom ay kumunot ang noo ko nang may matanaw akong estudyanteng parang sumisilip sa may pader sa labas ng school laboratory. Sinundan ko ng tingin ang sinisilip ng babaeng estudyante at isa iyong guro na papalayo na. Tinignan ko ang wristwatch ko at oras ngayon ng klase kaya nakakapagtaka kung bakit nasa labas ang estudyanteng ito.

Tahimik akong lumapit sa babae na hindi man lang naramdaman ang presensya ko. Nang tuluyang makalapit ay tumikhim ako para kunin ang atensyon nito.

Nagulat ko yata siya dahil bigla na lang siyang napatalon sa kaniyang kinatatayuan. Nakakaramdam bumakas ang kaba sa mukha niya nang lumingon siya at nakita ako na masamang masa ang tingin sa kaniya.

Ikaw lang pala wirdong babae.

"Bakit ka narito sa oras ng klase?" Malamig na tanong ko.

"N-nag CR lang." Palusot ni Key Anne.

Kinunutan ko siya ng noo at sinipat itong mabuti. "Nagsisinungaling ka."

"Paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako huh? May ebidensya ka?" Katwiran ni Key Anne habang sinusubukang makalusot sa akin ngunit hindi ako mabibili ng katwirang iyon dahil alam ko ang mga pasikot sikot sa paaralang ito.

"Ms.Flores, may comfort room ang bawat floor ng school na ito kaya nakakapagtakang narito ka sa labas ng school laboratory na malapit pa sa SSG office?"

Nag-aalangan siyang ngumiti marahil ay maghahanap na naman ng iba pang palusot. Tsk, bakit ba sa kaniya pa ako iakakasal eh ang dami namang mas matino kaysa sa isang 'to. "N-nagpahangin muna?"

Naniningkit ang matang sinipat ko siya. "Nagpapahangin o wala ka lang talagang balak pumasok?" Diretsong sabi ko sa kanya. "You're lying again Ms.Flores." Seryosong sabi ko at naglabas ng papel. Hinanap ang pangalan niya saka isinulat ang rule sa nilabag niya tapos ay mabilis na nagsulat ng note at ibinigay sa kanya iyon para malaman niya ang rule na nilabag niya. "Hindi porket anak ka ng isa sa mga investors ay exempted ka na. Rule is rule at marunong ka naman sigurong magbasa para hindi mabasa ang mga rules ng paaralang ito na nakasulat sa ibinigay na schedule sa iyo mismo. That paper I gave is your first warning. You break the rule number 2. Jaunting during class hour is strictly prohibited. I don't care if you're the daughter of one of the investors of this school. You're still a student and I am the President. And starting for tomorrow, you are 1 week suspended. Go back to your classroom or should I give you another second warning?"

"E-eto na oh. Babalik na." Kinakabahanag sabi niya at tumakbo paabalik.

Napatsk na lang ako habang nakatanaw sa kaniya."Sa rami ng taong mapapangasawa ko ay iyon pang wirdong na may sayad sa utak na pasaway. Nice!" Iritang sabi ko at muling naglakad patungo sa pintuntahan ni Key Ann.

Nang makapasok ako sa class room namin ay nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang guro. Nilingon ako ng guro pero sinenyasan ko rin naman itong magpatuloy sa ginagawa.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now