Chapter 8

802 31 1
                                    


Matapos mag-emote sa harap ni mommy ay dumeretso na ako sa kuwarto ko para makapagpalit at makapagpahinga na rin. Ang daming nangyari sa'kin sa araw na ito.

Nagtaka ako nang nasa tapat na ako ng pinto ay napakaingay sa loob. May nagtatawanan at nagsisigawan. Ipinilig ko ang ulo ko. Baka nagiimahinasyon lang ako. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto ng kwarto ko at pinakinggan ang nasa loob. Hindi talaga ako nag iimahinasyon. Sa tingin ko ay may mga tao sa loob.

Hinawakan ko ang door knob saka malakas kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga kaibigan kong nasa mini salas ng kuwarto ko. Lahat sila ay natigilan. Nakatingin lang sila sa akin. Nang makabawi sa pagkakabigla ay parang mga batang tumakbo sila papalapit sa akin na para bang ako ang kanilang ina at masayang sinalubong ako ng kanilang mga yakap. Bumagsak ako sa sahig dahil patalon nila akong niyakap! Mga baliw!

"Surprise!" Sigaw nilang lahat.

"Mga baliw umalis kayo sa ibabaw ko! Hindi ko makahinga!" Sigaw ko sa kanila.

"Antagal mong dumating, umuwi pa nga kaming lahat saka pa pumunta rito tapos wala ka pa rin?" Sabi Garreth na nakatayo na ngayon.

"Anong ginagawa niniyo rito sa kwarto ko. Shit! Kayong tatlo umalis nga kayo dahil hindi na talaga ako makahinga!" Hirap na hirap kong sabi habang tinutulak sila palayo.

"Syempre gusto naming bisitahin ang best friend namin!" Nanggigigil na sigaw ni Win.

Nakahinga ako nang maluwang nang sa wakas ay umalis na rin sila sa pagkakadagan sa akin. Sa tuwing makikita nila ako, ganiyan ang ginagawa nila sa akin. Mga baliw talaga. Kahit saan ay gagwin nila iyon kahit sa public.

"Nagmiryenda na kayo?" Tanong ko nang makatayo na.

"Hindi pa. Hinihintay ka pa namin eh." Sagot ni Elaine.

"Balik na kayo sa salas, magpapalit lang ako at maliligo na rin." Utos ko. Agad naman nila akong sinunod.

Naglakad ako patungong walk-in closet ko at kumuha ng damit saka nagtungong banyo para mag quick bath. Nang matapos ay tinungo ko naman ang telepono na nakakonekta sa kusina para magpadala ng makakain dito.

"Yes ma'am?" Tanong ng maid nang sagutin niya ang tawag.

"Pakidalhan kami ng meryenda. Damihan mo. Narito kasi ang mga kaibigan ko."

"Sige po ma'am sandali lamang ho."

Pinutol ko ang tawag saka nagkukusot pa ng buhok na lumapit sa mga kaibigan kong nanonood ng Tom & Jerry sa flat TV screen na nasa salas.

"Sino 'yong nakaasaran mo kanina sa rooftop?" 'Yan na agad ang tanong ni Garreth pagkaupo ko pa lamang.

"Si Bryan Oliver Stewart the kapre. The President of SSG. He's also my classmate." Tugon ko.

"May gusto ka sa kanya?" Tanong ni Nika.

"Wala ah." Mabilis na tanggi ko.

"Asus... kunwari ka pa, I'm sure deep inside kilig na kilig ka. Ang gawapo kasi." Tudyo sa akin ni Elaine.

"Kilabutan ka nga Elaine." Walang ganang sabi ko.

"Hahaha! Itanggi mo pa best friend." Natatawang pang-aasar ni Garreth.

"Tigilan niyo nga ako! Kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hinding hindi ko siya magugutuhan. Yucks. Hindi ako pumapatol sa mga katulad niyang kapre ano." Diring diring sabi ko.

"Ingat ka best friend, baka kainin mo lang 'yang mga sinasabi mo." Ani Win.

"Kapag sinabi ko, gagawin ko. At kahit kailan, hindi ko pa kinain ang mga sinasabi ko my crazy friends." Puno ng kompyansang angal ko.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now