Chapter 23

737 26 1
                                    


Pagsapit ng umaga ay masakit ang katawan na nagmulat ako ng mata. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni kapre na mahimbing na mahimbing na natutulog habang nakayakap ang isang braso sa akin at ang isang braso ko naman ay nakayakap rin sa kaniya.

Malakas ko siyang sinipa dahilan ng pagkahulog niya sa sahig. Narinig ko ang malakas niyang pagdaing kaya nagkunwari akong tulog na tulog.

"Fuck! Ugh!" Rinig kong mura niya habang namimilipit sa sakit. "Fuck! Ang sakit ng noo ko..."

Mas pinag-igihan ko pa ang pagpapanggap. Mahirap mahuli. Mukhang galit na galit pa naman eh.

"Nahulog ba ako habang natutulog?" Rinig kong tanong niya sa sarili. Tss. Mas wirdo pa pala 'tong kapreng 'to eh. "Sa pagkakatanda ko, kailanman ay hindi pa ako nahulog sa sahig habang natutulog, masikip man ang hinihigahan ko o hindi. Maliban na lamang kung..." Naramdaman ko ang pag uga ng kabilang parte ng kama. "Maliban na lamang kung may ginawa itong susing 'to sa akin."

Nagulat ako nang may humampas na bagay sa katawan ko kaya agad akong napabangon.

"Aha! Ikaw ang may gawa niyon 'no!" Galit niyang tanong.

Matatakot na sana ako ngunit naudlot iyon nang makita ang bukol niya sa gitnang noo dahilan ng malakas kong pagtawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa ko habang nakaturo sa noo niya.

Mabilis siyang lumayo sa akin at humarap sa malaking salamin saka sinipat ang kaniyang noo. Natikom ko ang bibig nang balingan niya ako ng nakakatakot na tingin. Malalaki ang kanyang hakbang na lumapit sa akin. Galit na galit. Mabilis akong bumaba sa kama. Walang pakialam sa magulo kong buhok. Takte! Nalintikan na! Dinampot niya ang unang hawak kanina saka iyon ihinampas sa akin pero mabilis ko lang naiwasan.

"May flashlight ka na sa noo! Bwahahaha!" Natatawa kong pang-aasar habang patuloy na iniiwasan ang unang ihinahampas niya sa akin. Thanks for our king sized bed dahil hindi niya ako naaabot.

Bakas ang pagkairita sa kanyang mukha nang kahit anong gawin niya ay hindi ako matama-tamaan kaya sa inis ay ibinato niya sa akin ang unan na naiwasan ko rin naman.

"Hahahaha!" Tawa ko saka siya binelatan.

Kinuha niya ang unan na inunanan ko kanina saka pumatong sa kama at tumalon palapit sa akin kaya mabilis akong tumakbo papuntang salas.

"Mahuhuli rin kitang wirdong susi ka!" Sigaw niya na mas ikinalakas ng tawa ko.

"Ops. Hahahah! Ops. Hahahaha!" Pang-aasar ko habang patuloy na iniiwasan ang kanyang mga hampas. Salamat sa lamesa at hindi niya ako magawang abutin.

Kumembot kembot ako para mas asarin pa siya at nagtagumpay naman ako dahil mas lalong sumama ang mukha niya. Mabilis siyang umikot patakbo sa pwesto ko. Mabilis din naman akong tumalon sa sofa na isang pagkakakmaling nagawa ko dahil nakangisi siyang tumalon sa sofa saka ako hinampas na mabilis kong nailagan. Mabilis na tinakbo ko ang pinto saka hinawakan ang doorknob para pihitin pabukas ngunit naka-lock at wala rito ang susi. Putek!

'Kung minamalas ka nga naman oh. Waaahhhhh!'

"Itong kalahe mo ba ang hinahanap mo ha, susi?" Rinig kong tanong niya mula sa likuran.

Dahan-dahan akong humarap. Nalunok ko ang sariling laway nang makita ang malademonyo niyang ngisi. "Hehehe. Peace na tayo kapre." Kinakabahang sabi ko habang naka-peace sign.

Five inch lang ang pagitan naming dalawa kaya malamang sa malamang ay wala na akong takas nito. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung kaba ba ito o ano.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now