Chapter 26

735 29 1
                                    


"This is my office. How was it?" Nakangiting tanong niya sa akin nang makapasok kami sa office niya

"Maganda naman siya. Kaamoy mo." Pareho kaming natawa sa huling sinabi ko.

"Yeah. Pare-parehong perfume ang gingamit ko sa lahat ng pagmamay-ari ko."

"No wonder kung bakit lahat ng damit mo, bag at sasakyan ay kasing amoy mo."

He slightly laughs and it was like a soft music in my ear. "Upo ka muna roon. Lalabas lamang ako para tumulong sa paghahanda ng ating kakainin."

Nakangiting tumango ako at sinunod ang kanyang sinabi. He give a peck on my cheek before he left his office.

Napahawak ako sa pisngi ko. Sunod ay sa dibdib ko kung nasaan banda ang puso ko. Hindi na talaga naging normal ang pagtibok nito dahil lamang sa kanya.

Nang ma-bored ako kakaupo ay tumayo ako at inilibot ang tingin sa loob. Naglakad lakad ako habang tinitignan isa-isa ang mga painting na nakasabit sa dingding. Nakaramdam ako ng ginhawa habang pinagmamasdan ang mga ito. They are so beautiful in my eyes. Ang ganda ng pagkakapinta at nakakamangha. I really love paintings or anything that related to art.

Dumako ang tingin ko sa desk ni kapre kasunod ay sa picture frame na maayos ang pagkakalagay. Lumapit ako roon saka kinuha ang picture frame.

I felt hurt when I see it was Bryan with Kyra who's smiling brightly. Naka-peace sign ang kaliwang kamay ni Kyra habang ang isang kamay naman ni kapre ay nakakurot sa kanang pisngi niya at masayang nakatitig sa kaniya si kapre.

Mapait akong napangiti. They are really look good together in the picture even in personal. Ibinalik ko ang picture kung saan ko iyon kinuha nang lumipat ang tingin ko sa drawer na may picture frame na nakataob. Iignorahin ko na sana 'yon sa pag-aakalang baka sila lang ni Kyra uli ang naroon ngunit ang kyuryusidad na nararamdaamn ko ay nilalamon ang buong pagkatao ko. Hayst!

Inihakbang ko ang mga paa palayo sa kanyang desk ngunit napaabante rin pabalik. Muli akong humakbang ngunit muli lang akong bumalik. Hayst! Inis akong umikot at nilapitan ang nakataob na picture frame.

Kinuha ko iyon. Nakaramdam ako ng tuwa nang makitang ang litrato namin iyon ni kapre nang ikasal kami pero hindi ko rin maiwasang masaktan dahil nakataob iyon habang ang litrato nila ni Kyra ay maayos na nakapatong sa lamesa. Ibinalik ko ang litrato sa pinakunan ko niyon.

I was about to sit on his swivel chair when someone knok on the door then it opened and manager Franco entered with his usual sweet smiles.

"Pinapadalhan po kayo ni sir ng miryenda. Baka ho kasi nauuhaw kayo o gusto niyong kumain muna habang wala siya. Busy pa ho kasi siya sa kusina." Paliwanag niya habang naglalakad palapit sa table saka inilapag ang juice at isang slice ng chocolate cake roon.

"Anong ginagawa niya roon?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.

Umayos ng tayo si manager Franco at nakangiting bumaling sa akin. "Tumutulong siya sa pagluluto ng inyong kakainin." Naglakad siya patungong pinto at bago iyon isara ay muli siyang bumaling sa akin. "You wanna see him?"

Bahagya akong nag-isip kapagkuwan ay tumango rin at nakangiting lumapit sa kaniya. Linuwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makadaan ako.

"In this way ma'am Key Anne." Magalang niyang sabi na sinunod ko naman.

Lahat ng nakakasalubong kong mga empleyado ay nakangiti sa akin. Bakas ang paghanga sa kanilang mga mata na ikinailang ko.

"Anong klaseng boss si ka-- este Bryan manager Franco?" Tanong ko habang tinatahak ang daan patungong kitchen.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now