Epilogue

1.4K 46 7
                                    


"Daddy, saan ba tayo pupunta? Akala ko ba sa zoo tayo pupunta? 'Di naman 'to daan papunta roon ah." Tanong ni Jack. Ang panganay namin.

"May bibisitahin lang si mommy, Jack. After that, sa zoo na tayo pupunta." Nakangiting paliwanag ni Bryan sa panganay naming nasa passenger seat.

"Sino bibisitahin mo mommy?" Tanong naman ng kakambal nitong si Jacob na katabi ko rito sa back seat.

"A friend anak." Nakangiting tugon ko sa kaniya.

After 10 years, mas naging matatag pa ang samahan namin ni Bryan at biniyayaan din kami ng kambal na sobrang daldal at kulit. Minsan natatanong ko ang sarili ko kung saan sila nagmana sa kadaldalan dahil wala namang madaldal sa aming mag-asawa. Well except to my mother.

"Sino po 'yon?" Usisa nito.

Akmang sasagot ako nang magsalita si Jack na nasa passenger seat. "Alam mo daddy, mommy, 'yang si Jacob, zero sa quiz namin kahapon."

"Sumbungero ka talaga! Sabi nang hindi ko alam ang sagot eh."

Nagkatinginan kami ni kapre.

"Hindi ka kasi nag-aaral. Sabi ni teacher mag-study raw kasi may quiz pero imbis na mag-study ka, puro ka laro."

Sumama ang mukha ng anim na taong gulang na si Jacob. "Sumbong ka nang sumbong eh 'di ko naman sinusumbong 'yong ginawa mo sa anak ni tito Steven."

Pareho kaming napatingin ni kapre kay Jacob. "Anong ginawa ng kuya Jack mo sa anak ni tito Steven mo?" Kinakabahang tanong ni kapre sa anak.

"Hinalikan niya po 'yong anak ni tito Steven." Sumbong nito sa ama. Ang tinutukoy ay ang anak nina Nika at Steven na si Wency.

Makalipas ang maraming taon ay nagkatuluyan din sila. Sina Garreth at Denver naman ay nagkatuluyan din at mayroon na ring sariling pamilya at ngayon ay naninirahan na sila sa sa UN. Sina Elaine at Win ay may pamilya na rin at pareho ang mga itong nakatira ngayon sa America dahil doon nila nakita ang the one nila. Pero kahit malayo kaming apat sa isa't isa ay nagkikita-kita pa rin naman kaming apat para sa reunion naming magkakaibigan.

Agad na sumama ang mukha ng striktong ama. "Bakit mo 'yon ginawa Jack?" Strictong tanong nito sa anak na ngingisi ngisi lang.

"She's beautiful that's why I kissed her."

Mas lalong sumama ang mukha ng ama. "That's not good Jack. Don't do that again." Malumanay na niyang sabi habang pasulyap-sulyap sa anak na hindi man lang naapektuhan sa sinabi niya.

"If she won't call me gay again then I won't kiss her."

Tumaas ang isang kilay ko. "I'm warning you Jack. Try to kiss her again and I swear, you'll be grounded."

Imbis na matakot ay ngumiti ito nang malapad at humarap sa akin. "We know you can't do that to me mommy. I'm your handsome son. And a handsome boy like me shouldn't be grounded."

Agad na kumontra ang kakambal. "Kuya, you're not handsome. You're ugly so stop dreaming."

Sumama ang mukha ni Jack. "You're just saying that because between you and me, I'm more handsome."

Kumontra ulit ang kapatid. "Oh come on kuya, kaya nga patay na patay sa akin 'yong anak ni tita Elaine kasi mas gwapo ako sa 'yo. Ikaw, nag-a-assume ka lang."

Sasagot pa sana ang nakakatandang kapatid nang sumingit ang ama nila. "Stop that nonesense arguments or else both of you will be grounded."

Hindi nakapagsalita ang dalawa dahil sa nakakatakot na bantang iyon ng kanilang ama. Sa aming dalawa, siya ang pinaka istrikto pagdating sa mga anak namin. Pero siya rin naman ang pinaka malambing. Kahit busy sa kompanya ay nagagawa pa rin niyang maglaan ng oras para sa mga anak namin.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon