Chapter 10

812 28 1
                                    

Lumipas ang mga lingo at dumating na ang palagi kong pinoproblema. Ang exam. Takte! Bukas na ang exam! Bakit ba kailangan ko pang mag-aral eh ang dami na naming pera!

Ako lang ba? Ako lang ba ang taong exam lang ang nag-iisang pinoproblema sa dami ng problema sa mundo? Ako lang ba ang halos magpakamatay na dahil sa bwiset na exam na 'yan?

"Anong binabasa mo?" Tanong ni Garreth na nakaupo sa tabi ko at bahagyang itinigil ang paglalaro ng Super Mario.

"Mga tinake note ko." Simpleng sagot ko at inabala ang sarili sa pagbabasa. Narito kami sa rooftop ngayon at kakatapos lang naming mag-lunch. Mabuti na lang at wala rito si kapre at ang mga alagad niya. Hindi na ako natutuwa sa pagmumukha niya. Masyado iyong pangit at nakakairita.

"May sakit ka ba? May mental disease? Sinapian ka ba ng mabuting espirito?" Nag-aalalang tanong ni Garreth. Binatukan ko nga.

"'Wag ka ngang OA."

"Ano meron?" Pakikiusisa ni Win.

"Si Key Anne nag-aaral daw!" Sagot ni Garreth sa kaniya.

Bumaling naman si Win sa iba pa. "Guys si Key Anne nag-aaral oh!" Tawag niya sa dalawang naglalaro ng uod na nakita raw nila sa damuhan na ngayo'y alaga ni Nika the weird. Alam mo 'yong uod na kulay green tapos parang pumipilantik ang kalahating bahagi ng katawan? Iyon 'yon. Ah basta bahala na si batman. Hindi ko alam ipaliwanag!

Nagkatinginan sila. Ang sunod ay ngumisi ng nakakaloko tapos biglang nagpipigil ng tawa hanggang sa malakas silang humalagapak ng tawa. May mga saltik talaga.

"Anong nakain mo at bumait ka yata?" Natatawang tanong ni Elaine.

"Ano ka ba Elaine, dapat ang itinanong mo ay sino ang inspiration niya at tumino yata!" Muli na naman silang tumawa. Kung iba ang makakita sa kanila, iisipin nilang mga baliw itong mga kasama ko.

"Hala Nika hindi na siya gumagalaw." Natuon ang atensyon namin kay Elaine nang sabihin iyon.

"Anong ginawa mo sa kaniya?" Nanggagalaiting tanong ni Nika.

"S-sorry. Nahulog kasi mula sa kamay ko tapos hindi na g-gumagalaw."

Kinuha ni Nika ang uod at sinipat iyong mabuti saka tinignan nang matalim si Elaine. Nakita ko ang paglunok nito kasunod niyon ay malakas siyang binatukan ni Nika. Napangiwi kami. Ang sakit niyon panigurado.

"Gaga ka! Pinatay mo ang alaga ko!" Galit na galit niyang sigaw kay Elaine.

Naiiling na nilingon ako nina Garreth at Win at nginisian. "So sino nga ang inspiration mo ha our hard headed best friend?" Nakangising tanong ni Win.

"Hindi kaya..." Sinuri nila akong dalawang mabuti na para bang pinag-aaralan ang bawat reaksiyon sa mukha ko.

"Si President?" Tataas baba ang kilay na pagtatapos ni Garreth sa sinabi ni Win.

"Mga baliw!"

"Ayiie Win, confirm." Nang-aasar na sabi ni Garreth.

"First time 'to ah." Nakangising wika ng naka-move on ng si Elaine. Nakita ko sa likod niya si Nika na parang naiiyak at may binalot sa papel saka iyon itinapon sa baba. I know uod ang laman niyon. Wirdo talaga. Dahil sa dami ng puwede niyang pagtapunan ay iyong dinadaanan pa ng mga students.

Hinarap nila akong lahat. Sabay-sabay nila akong ngisian nang malademonyo. Napalunok ako at mabilis na tumakbo.

"Waahhh! Tulong!" Malakas kong sigaw.

Dadaganan na naman nila ako! Ayoko na! Masakit sa katawan!








BRYAN OLIVER'S POV

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now