Chapter 34

755 26 1
                                    

"Galit ka ba?" 'Yan na agad ang tanong sa akin ni Kapre pagkaupo ko pa lang sa upuan ko sa tabi niya. Nilingon ko siya't binigyan ng nagtatanong na tingin. "Bigla mo na lang kasi akong binabaan ng tawag kanina. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"

"Ah iyon ba? 'Wag mo nang isipin 'yon. Hindi ako galit."

"Sigurado ka?"

"Yups."

"Kung ganoon date tayo mamaya pag-uwi." Nakangiting aniya.

"Eh?"

"Wala. Sabi ko andyan na professor natin." Sabi niya't mabilis nag-iwas ng tingin.

Wirdo. Nagkibit balikat na lamang ako at itinuon na lang ang buong atensyon sa guro naming nagsisimula nang magturo. Sa kalagitnaan ng klase ay hindi ko maiwasang mapalingon sa katabi ko dahil kanina pa siya titig na titig sa akin.

"What?" Tanong ko nang magtama ang aming mga mata.

"Bakit ang ganda mo?" Tanong niya sa akin habang titig na titig pa rin saka ako nginitian. Umangat ang isang kamay niya para haplusin ang kanang pisngi ko. "I'm so lucky because I met an amazing woman like you."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil para akong nauubusan ng hininga dahil sa kakaibang titig at mga salitang binibitawan niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko para ibaba 'yon habang ang tingin ay nasa guro naming nagtuturo.

Linukob ng kakaibang pakiramdam ang puso ko nang pagsaklupin niya ang mga kamay namin. Iaalis ko na sana 'yon ngunit mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko na para bang anumang oras ay iiwan ko siya. Liningon ko siya't ganoon pa rin ang mga titig niya sa akin.

"Mr. And Mrs.Stewart! Are you both are listening?"

Mabilis kaming napaayos ng upo at humarap sa guro namin. "Sorry sir."

Tinapunan niya muna kaming dalawa ng masamang tingin bago ipinagpatuloy ang kaniyang pagtuturo.

Matapos ang panghapong klase ay agad din akong umuwi nang hindi ko na hinintay si Bryan na wala nang ibang ginawa kung hindi pabilisin ang tibok ng puso ko.

Pabagsak kong ihiniga ang katawan ko sa malambot na kama. Pakiramdam ko'y masyado akong napagod sa buong maghapon kahit wala namang nakakapagod.

"Bakit ka umuwi nang walang paalam?"

Napabalikwas ako ng bangon nang may magsalita sa paanan ko. "B-Bryan?" Sambit ko sa pangalan niya. Nalunok ko ang sarili kong laway dahil sa nakakatakot niyang tingin at madilim niyang mukha.

"Alam mo bang alalang-alala ako sa 'yo hah? Sinabi ko nang sabay tayong uuwi pero nauna ka pa rin. Ganoon mo na ba kaayaw sa akin?" Ang madilim niyang mukha ay ay naging malungkot. "Pasensya na. Don't mind my words."

Napakurap-kurap ako nang isa-isa niyang hinubad ang suot niyang uniporme sa harap ko mismo saka pinagbabato 'yon sa basket.

"H-hey! Sa banyo ka maghubad!" Pigil ko sa kaniya nang akmang huhubarin na niya ang suot na trouser. Nag-angat siya ng tingin sa akin saka pilyo akong nginisian.

"Don't worry susi. Trouser lang ang huhubarin ko." Nakangising aniya saka ako kinindatan.

Nag-iwas ako ng tingin nang hubarin niya ang sando niya saka nakaboxers lang na pumasok ng banyo.

Muli akong nahiga sa kama saka umidlip saglit. Hindi pa man ako tuluyang nakakapikit nang tumunog ang cellphone ko. Napabalikwas ako ng bangon saka tamad na inabot iyon mula sa mini table sa tabi ng kama.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now