CHapter 11

799 29 1
                                    


Matapos ng dinner ay umuwi rin kami agad dahil may aasikasuhin pa si dad. Ako nama'y nagmamaneho ngayon patungong bar. F*ck! I am engaged? To my mortal enemy?

Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Adrian. Ang gago kong pinsan. She's so rich! She's the only daughter and the heiress of Flores family. Nahilot ko ang sentido nang maalala ang kaganapan kanina. I am not ready for that f*cking marriage for pete's sake! But what I could do? Obviously I have no choice but to accept this unacceptable marriage!

"Hey cousin!" Masiglang bungad sa akin ng nasa kabilang linya.

"Maglalasing ako ngayon at gusto ko ng kasama. My treat." Wala na sa sariling nasambit ko.

"Ows. Mukhang malaki ang problema natin ah. Sige sige, tatawagan ko ang ibang myembro ng SSG. Saang bar ba?"

"Sa Diamond Bar." Sagot ko at pinatayan na siya ng tawag. Parang lumilipad ang utak ko. I'm still shock of what I'd discovered.

Pagkarating kong bar ay kumuha ako ng VIP room at umorder ng napakaraming alak. Alam kong magsisidatingan ang karamihan sa myembro ng Student Councils kaya dapat ay mas marami rin ang oorderin.

Mabilis akong naglakad at tinungo ang VIP room. Pagkapasok ay pabagsak iyong isinara at pabagsak ring naupo sa mahabang sofa. Nakakabaliw. Gulong gulo ang utak ko. Kinakain pa ng babaeng iyon ang buong sistema ko. Marahas kong ginulo ang buhok ko at sumandal sa sofa na para bang galing ako sa pagtakbo at parang pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Shit! Ang babaeng nilait lait ko ay mas mayaman pa sa akin, sa amin! Paanong wala man lang akong nahalata sa kanyang bakas ng karangyaan? She's really far from my expectations.

Everything frustrates me but what's most frustrating is she's my fincé! I never dreamed to get married at my young age. For heaven's sake, I'm just a 19-year old senior high student! Damn it!

Ilang sandali ako sa ganoong posisyon nang bumukas ang pinto at pumasok ang nasa mga limang waiter at waitress. May dala ang mga itong mga inumin at mga pulutan. Maayos nila iyong inilapag lahat sa glass table.

Pagkaalis nila ay kumuha ako ng isang bote ng martini at nilagok ang laman niyon. Maya maya pa ay bumukas ang pinto't nagsipasukan ang mga myembro ng student council kasama ang pinsan ko pero hindi ko sila pinansin at patuloy na nilagok ang alak at walang pakialam sa tapang ng lasa nito.

"Hey dahan-dahan." Saway sa akin ni Denver ngunit hindi ako nakinig hanggang sa maubos ko ang isang bote ng martini.

"Ano ba ang nangyari pinsan?" Tanong ni Adrian.

Hindi ako sumagot at inihilig ang ulo sa sandalan ng sofa saka malakas na nagbuntong hininga. Hindi naman na sila nagtanong muli at sinimulang mag-inom. Muli akong kumuha ng bote na naman ng Martini at ininom iyon sa bote.

"Mukhang malaki ang problema nito." Rinig kang wika ni Xian.

"Malamang. Hindi naman niyan ugaling mag-inom kung hindi." Sabat ni Miko.

"Ano kaya ang nangyari sa kanya?" Curious na tanong ni Welder.

"Ano ba ang nangyari Adrian?" Tanong ni Niko sa pinsan ko.

"Tsk. 'Wag niyo akong tanungin. Malay ko ba. Kayo ang magtanong sa kaniya." Tugon lang ni Adrian.

"Saka na lang mahirap masinghalan." Mabilis na tanggi ni Niko.

"Ayoko rin masigawan." Miko.

"You, our stupid president! What the hell was happened to you? Do you know you just ruin my beautiful dream with my girl just beacause of your f*cking problem?"

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now