Chapter 41

640 23 1
                                    

Matapos ang aming pananghalian ay sa cashier agad ang diretso ko habang si kapre ay nasa likuran ko. Sinabi kong mauna na siya ngunit ayaw niya. Gusto raw niya akong hintayin kaya hinayaan ko na lang.

"Magkano po lahat?" Tanong ko sa cashier na matanda lang sa akin ng ilang taon.

"Sandali po ma'am." Sabi niya't nagpindot-pindot sa hawak na loptop.

Ilang sandali lamang....

"999,999 po lahat ma'am." Nakangiting sabi niya.

Napatanga ako. Pakiramdam ko ay wala akong naintindihan. "H-huh?" Wala sa sariling naitanong ko.

"999,999 po lahat ma'am." Pag-uulit niya.

"Tsk. Nahiya pa 'yong piso." Rinig kong bulong ni kapre na nasa likuran ko.

Lutang akong iniabot sa cashier ang credit card ko. Hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak ko 'yong halaga ng pera. 999.... what?

"Tara na."

"Huh?"

"Sabi ko time na. Nakikinig ka ba?"

Napakurap-kurap ako kay Bryan. "Wait, 'yong credit card ko." Sabi ko sabay pigil sa kaniya.

"Narito na." Sabi sabay pakita ng credit card kong nakaipit sa pagitan ng gitang daliri at hintuturo niya.

Inagaw ko 'yon saka inilagay sa bag ko. "Sorry. Tara na."

Naguguluhan niya akong tinignan tapos ay nagkibit balikat saka ako inakbayan at lumabas na ng canteen. Nang tuluyang makalabas ay nagtaka ako dahil ang dami pang estudyante sa labas kahit saan ay nagkalat sila. Nagtatakang binalingan ko ng tingin si kapre.

"Akala ko ba ay time na?"

"Naniwala ka naman? 'Yan kasi lulutang-lutang ka. Ano ba ang iniisip mo kanina?"

"'Yong halaga ng mga pagkaing naubos ng lahat."

Natawa siya. "Tsk. 'Yon lang nagpalutang na sa'yo?" Natatawang tanong niya.

Pinalo ko siya balikat. "Malamang. Ang weird kaya niyon."

"'Wag mo na ngang isipin 'yon."

Gaya nga ng sinabi niya ay inalis ko na lang sa isipan 'yon. Naglalakad na kami sa hallway sa first floor nang may humarang sa amin.

"Key Anne please, talk to me. Let me explain." Pagsusumuamo ni Kai.

Nag-iwas ako ng tingin at akmang lalampasan siya ngunit pinigilan ako ni kapre. Nilingon ko siya. Seryoso na ang kanyang mukha.

"Talk to him." Aniya na isinenyas pa si Kai.

"But, I still can't." Tumungo ako.

Hinawakan niya ako sa mga balikat ko at pinaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahang iniangat para magtama ang aming mga mata.

"You still can't?" He asked. I nod as a response. "When are you planning to talk to him?"

"H-hindi pa ako handa." Sabi ko't nag-iwas ng tingin.

"When will you be ready?" Hindi ako nakasagot. Maski ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung kailan. Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "Talk to him."

Nakasimangot kong ibinalik ang tingin sa kanya. "But..."

"No buts."

"But I can't." Nakasimangot kong reklamo.

"You can."

"Kapag pinilit mo pa akong makipag-usap sa kaniya, sinasabi ko sa 'yo, ipagpapalit talaga kita sa iba." Pagbabanta ko na ikinangisi niya lang.

"You can't do that. Wala ka nang makikitang mas gwapo pa sa akin kaya sige na, kausapin mo na siya."

"But Bryan..."

"No buts." May pinalidad niyang sabi. Hinarap niya si Kai. Seryoso na agad ang mukha niya. "I'll let you talk to her. Pero binabalaan kita, 'wag na 'wag kang magkakamaling idikit kahit dulo ng daliri mo sa kahit anong parte ng katawan niya. I swear, I'll kill you if you do that."

"Thanks bro." Nakangiting sabi ni Kai.

"Don't bro me. We're not close." Humarap siya sa akin saka ako hinalikan sa noo. "Mauuna na ako sa taas okay?" Napipilitan akong tumango. Sinapo niya ang mukha ko. "Kausapin mo siya para malinawan ka. Let him explain okay?" Tumango ako saka pilit na ngumiti. Muli niya akong hinalikan sa noo saka ginulo ang buhok ko't naglakad na siya patungong elevator.

Huminga ako nang malalim saka hinarap si Kai. "Speak."

"Here?" Naguguluhang aniya.

"Yeah."

"Pwede ba ro'n sa wala masyadong tao? Ang daming nakatingin eh."

"Tsk fine. Sumunod ka sa akin." Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita basta tinalikuran ko na lang siya. Hindi na rin siya nagtanong at sumunod na lang siya nang tahimik.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapadpad kami sa likod ng school laboratory.

"Now speak. I'm just giving you 20 minutes."

"But that's too short."

"Ayaw mo? Eh 'di 'wag."

Akmang tatalikuran ko siya ngunit mabilis niya akong pinigilan. Nagbuntong hininga siya bago nagsalita. "Ayoko rin umalis nang mga panahong 'yon. Nang mga panahon kung kailan nagkaroon ako ng matalik na kaibigan pero wala akong magawa. Ilang beses kong pinilit ang mga magulang kong mag-stay ngunit ayaw nila dahil kailangan talaga naming umalis... para sa ikabubuti ko kaya mahirap man ay umoo na lang ako." Nakatungo niyang sabi.

"Hindi 'yan ang gusto kong marinig." Malamig kong sabi. Nag-angat siya ng tingin. Nakangiti ang mga labi niya ngunit malungkot ang mga mata niya. "Gusto kong marinig kung bakit sa tagal ng panahong lumipas ay ngayon ka lang bumalik."

Nag-iwas siya ng tingin. "It's just a serious matter."

"What kind of serious matter?"

"I-I can't tell you." Hindi pa rin siya makatingin sa akin.

"If you can't tell to me, paano kita iintindihin?"

Nagbaba siya ng tingin. "May malaking dahilan lang kung bakit hindi ako nakabalik kaagad."

Nagbuntong hininga ako. "You just waste my time for nothing." Tinalikuran ko siya't naglakad palayo. Hinintay kong tawagin niya ako habang umaasang may sasabihin pa siya ngunit wala na. Wala na akong narinig ni isang salita mula sa kaniya.

Mabigat ang loob kong tinungo ang senior high's building. Gusto kong sabihin niyq ang dahilan niya hindi iyong magtatago pa siya. Maiintindihan ko naman eh. Ano tingin niya sa akin? Close minded?

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now