Chapter 52

656 25 2
                                    

"Kai Emerson. Siya na siguro ang taong nakilala ko na kahit anong hirap ang haharapin sa buhay ay nagagawa pa rin niyang ngumiti na para bang wala siyang iniindang malalang karamdaman. Palagi niyang sinasabi sa 'min na, kahit anumang pagsubok ang dumating sa buhay ng isang tao, kahit gaano man iyon kahirap, 'wag mong kakalimutang ngumiti." Pinahid ko ang luhang umagos sa kanang pisngi ko habang pinapangkinggan ang mommy ni Kai na nagbibigay ng mensahe bilang huling paalam sa anak na anumang oras ay tatabunan na ng lupa. Pilit niyang pinupunasan ang luhang namamalisbis sa pisngi ngunit wala iyong saysay. Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya na para bang wala nang katapusan.

"Emerson anak, kung nasaan ka man ngayon, palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Thank you for the wonderful memory you gave us. You don't know how much thankful I am as your mother to have a son like you. I-I love you son. And I will miss you." Inalalayan siya ng asawa para hindi matumba dahil sa panghihina.

Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Siguradong napakasakit para sa kaniya ang mawalan ng anak. Papahirin ko na sana ang luhang umagos sa pisngi ko nang may naunang magpunas niyon. Nilingon ko siya. Matamis siyang ngumiti sa akin.

"Nandito lang ako susi." Hinawakan niya ang ulo ko at iginaya pahilig sa mga balikat niya.

Makalipas ang pitong araw ng burol, dumating na rin ang araw ng huling pamamaalam. At sa araw na ito, narito ang lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya nila Kai. Narito rin ang mga kaibigan ko at ang mga SSG officers para makiramay.

Lahat ay malungkot, ang iba ay umiiyak. Ang iba naman ay tumatayo sa harap para magbigay ng huling paalam. Samantalang ako, tahimik na umiiyak habang nakatingin sa nakangiting litrato ni Kai. Even in your last breath, you still manage to smile.

Lumakas ang iyak ng iba nang magsimula nang ibaba sa hukay ang kabaong ni Kai. Ang mga luha sa mata ko ay mas lalong bumilis ang pag-agos. Ang tahimik kong pag-iyak ay nauwi sa mahinang hagulhol habang mahigpit na nakayakap kay Bryan na hinahagod ang likod ko.

Parang pinipilipit ang puso ko sa isiping ito na ang huling makikita ko siya. Pero kahit na ganoon ay masaya pa rin ako dahil bago siya nawala ay naging okay kami. Na nagkausap kami kahit sandali lang. Malaking bagay na iyon sa akin.









"KUNG nabubuhay ka pa siguro ngayon, sinapak na kita. Gago ka kasi. Sobrang gago." Malaungkot na sabi ko habang nakatingin sa lapida ni Kai.

Tapos na ang libing. Lahat ay umuwi na maliban sa amin ni kapre na nanatili muna rito sa sementeryo.

"Ang daya mo talaga. Bigla-bigla ka na lang kasing mang-iiwang buwiset ka. Buwiset ka talaga Kai." Hindi ko napigil ang pag-agos ng masaganang luha sa pisngi ko. Kahit anong gawin ko ay nasasaktan pa rin ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Na wala na ang matalik kong kaibigan.

"Alam mo bang dahil sa kaniya ay nahanap kita? Ayaw ko pa ngang maniwala noong sinabi niyang maaaring si Kyra ang salarin pero pinatunayan niya iyon. At salamat sa kaniya dahil kundi dahil sa kaniya, baka nawala ka na sa akin."

Nagugulat na nag-angat ako ng tingin sa kasama ko. "R-really?"

Ngumiti siya sa akin. "Yup, at utang naloob ko sa kaniya kung bakit kasama pa rin kita ngayon."

Muling nag-unahan sa pag-agos ang mga luha sa pisngi ko. Sa kabila ng karamdaman mo, nagawa mo pa rin kaming tulungan. Salamat Kai. You are really my best friend.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now