Chapter 43

626 24 1
                                    

Dahil week end ngayon ay naisipan kong bisitahin ang orphanage kasama si Bryan na ayaw nang humiwalay sa akin.

"Ito, magugustuhan kaya nila ito?" Tanong niya habang namimili kami rito sa mall para sa mga bata.

"Oo naman. Paniguradong magugustuhan nila iyan. Kahit ano naman kasi ay magugustuhan nila. Madali lang sila makontento kung anuman ang ibibigay mo sa kanila." Nakangiting sabi ko saka naglagay ng ilang matatamis na pagkain sa cart na tinutulak ni kapre.

"That's why I like them." Nakangiting sabi niya at naglagay ng chocolate sa cart.

"Ate!"

Natigil ako sa paglalagay ng candy sa cart nang marinig ang sigaw na iyon hindi kalayuan sa amin. Pareho kaming napalingon ni kapre roon. A girl with a wide grin showed up. Patakbo itong lumalapit sa direksiyon namin. Nilingon ko ang nasa likuran ko kung may tao pa bang iba pero wala naman. Nagtatakang ibinalik ko ang tingin sa batang babae nang tuluyan na itong makalapit sa amin.

"Ikaw nga!" Bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang nagagalak na nakatingin sa akin. Ikinabigla ko ang mas paglapit pa nito at bigla na lang akong niyakap nang mahigpit. Nang magtama ang mga mata namin ni kapre ay binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. Nagkibit balikat ako dahil wala rin akong idea sa kung anong trip ng batang babae na 'to. "Hehehe. Sorry po kung nabigla ko kayo. Natutuwa lang kasi akong nakita kitang muli." Sabi nito nang humiwalay sa akin at dumistansya nang kaunti.

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "Kilala ba kita?"

Her smiles become wider. "Natatandaan niyo po 'yong batang babaeng nakasabay niyo sa Jeep? Ako po 'yon. Maria Luise Magbanua po."

Napakamot ako sa sentido ko habang inaalala ang sinabi niya. Unti-unti ay gumuhit ang isang nagagalak na ngiti sa mga labi ko nang maalala ko siya.

"Ikaw pala 'yon? Sorry. Hindi kita nakilala kaagad ang laki kasi ng ipinagbago mo. Mas lalo kang gumanda."

Nahihiyang nagbaba ito ng tingin. "Ate naman, binola pa ako."

Mahina akong natawa. "Kumusta ka na pala?"

Nag-angat siya sa akin ng tingin at malapad na ngumiti. "Okay na okay po ate." Masiglang sabi niya. "Nga po pala ate, ano po ang pangalan niyo?"

"Key Anne and this man next to me is my husband." Sabi ko na tinuro pa si kapre.

"Hey young lady." Bati ni kapre kay Maria.

"Hello po kuya. Ano po ang pangalan mo?" Nagagalak niyang tanong.

"Kapre. Kapre ang panglan niya." Mabilis na tugon ko bago pa makasagot si kapre. 

Lihim na sinipa ni kapre ang paa ko. Nilingon ko siya't nginisian. Ibinalik ko ang tingin kay Maria at malapad itong nginitian. Nagkakamot ito ng ulo na parang nawiwirduhan sa pangalang ibinigay ko.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala kuya K-Kapre." Naiilang nitong sabi habang nahihiyang nakangiti kay kapre.

Lihim ako nitong siniko at binigyan ng mapagbantang tingin bago nginitian si Maria. "Ako rin Maria. Ano nga palang ginagawa mo rito?"

Mabilis na nag-iwas siya ng tingin kasabay ng pamumula ng mukha niya. "Nagwi-window shopping po. W-wala po kasi akong p-pera."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Kukunin ko na sana ang pitaka ko nang may iabot si kapre na tatlong libo sa dalagita. Tinignan ko siya nginitian lang niya ako.

"Go, buy something you want. Sorry 'yan lang kasi ang barya ko. I'm using credit card."

Gulat na nag-angat ng tingin sa kaniya ang batang babae tapod ay sa perang iniabot sa kanya ni kapre. "H-ho? K-kuya ang mahal mahal po niyan. Saka namamasyal lang po ako rito."

Inabot ni kapre ang kamay niya't ibinuka ang mga palad niya tapos ay inilagay ang pera sa kamay nitong nakabuka.

"Kapag hindi mo kinuha 'yan magagalit ako sa 'yo."

"P-pero po ang laki nito. Kahit bente pesos na lang po ang ibigay niyo sa akin. Sobra sobra po ito." Sabi ni Maria pilit na ibinabalik ang pera kay kapre na nagpapanggap na nagagalit kaya natigil ang dalagita at napipilitang tinanggap ang pera.

"Ang laki po talaga nito." Nakatungong sabi niya.

Natatawang ginulo ni kapre ang buhok niya. "Isipin mo na lang, advance gift ko 'yan sa birthday mo. Now, go. Buy something you want."

Tumingin sa akin Maria na parang humihingi ng permiso kung tatanggapin niya ba ang pera. Tumango ako at nginitian siya. "S-salamat po." Naiiyak nitong sabi.

Lumapit ako at ginulo ang buhok niya. "Gusto mo, samahan ka naming mamili?"

Agad itong umiling. "Hindi na po. Kaya ko naman po."

Kinurot ko siya sa pisngi at nagpaalam na may gagawin pa kami. Nakangiti naman siyang tumango. Tulak tulak ni kapre ang cart habang nakasunod ako sa kaniya. Muli kong nilingon si Maria na masayang nakatanaw sa amin. Kinawayan ko siya at muling namili ng pwedeng pasalubong sa mga bata.

"Ate Key Anne, wait!" Nilingon ko si Maria nang tawagin niya ang pangalan ko. "Salamat po ng marami sa scholar na ibinigay niyo. Maraming maraming salamat po." Naiiyak nitong sigaw habang kumakaway.

"Study well!" Ang itinugon ko sa pasasalamat niya.

Lumapad ang kaniyang ngiti at paulit-ulit na tumango saka nagpaalam na aalis na. Nakangiti kong ibinaling ang atensyon ko sa laruang pambata at inilagay sa cart ang bawat laruang mapipili ko. Natigil ako nang maramdaman ko ang mga titig sa akin ni kapre.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko pa 'to nasasabi sa 'yo pero alam mo bang ang swerte swerte ko dahil sobrang bait ng asawa ko? You have orphanage. You hired care taker to take care all of those homeless senior citizens. Do you know you're like a hero at the same time an angel to give shelters and foods to those people that aren't even related to you? Are you still a human? Paano mo naisip ang mga 'yon sa murang edad mo?"

Natatawang kinurot ko ang pisngi niya. "I just know they needed it. And yeah, I'm still a human. I'm still your susi."

Malapad ang ngiting hinila niya ako saka mahigpit na niyakap. "Mas lalo pa tuloy kitang minamahal." 

"Mahal din kita."

Humiwalay siya ng yakap sa akin at sinalubong ang aking tingin. Unti-unti ay gumuhit ang isang kontentong ngiti sa kaniyang mga labi tapos ay muli na naman niya akong niyakap nang mahigpit. Dinig na rinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kaniyang puso.

"Hindi ko alam kung anong ginawa ko at ibinigay sa akin ng panginoon ang isang kahanga-hangang babaeng katulad mo." Humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sa akin. "Sobrang mahal na mahal kita susi ko. Sobra pa sobra."

Ibinaon ko ang mukha sa dibdib niya nang nakangiti. I'd never thought the once person I never stop to murder in my thoughts will be this sweet. I once hated him to point I want to vanish him from this world and loving him like this never came into my mind.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon