Chapter 12

737 30 1
                                    

Today is the examination day and one of the most stressful day of my life. Mamayang alas dies na kasi ang exam namin kaya sa unang pagkakataon ay pumunta akong locker para ilagay roon ang mga librong tapos ko ng pag-aralan kanina. And I admit, wala akong naintindihan ni isa. Bwiset! Paano ako makakapasa nito? Baka magiging pasang awa na naman ang laman ng report card ko. Nakakahiya kina mommy. Nag-promise pa naman akong magiging maganda na ang grades ko ngayon at paano ko ba naman maiintindihan ang mga inaral ko kung ang laman lang ng utak ko kagabi ay ang bwiset na wedding na gaganapin ilang buwan lang mula ngayon! Huwaahhh!

Kung noon, kapag nakakasalubong ako ng mga estudyante ay nagbubulungan lang sila, ngayon naman ay lantaran na at sinasadya pa talagang iparinig sa akin ang mga walang kuwentang komento nila tungkol sa pagkatao ko. Hindi lang 'yon, gumigilid pa talaga sila para lamang hindi ako madikit sa kanila. Tsk. Paki ko naman.

Nang nasa locker na ako ay mabilis na nagsipaglayuan ang mga schoolmates ko na para bang isa akong nakakadiring bagay na kailangang layuan dahil baka sila marumihan.

Marahas akong bumuga ng hangin at binuksan ang locker ko. nagtaka akl nang may makita ako roong pulang box kaya inilagay ko sa gilid ang mga books na dala ko at kinuha ang box saka isinara ang locker at binuksan ang box. Pansin ko ang paghaba ng kanilang leeg na para bang sinisilip ang laman ng box. Mga tsismosa.

Unang bumungad sa akin ay litrato kong mukhang stolen shot at ginuhitan gamit ang dugo. Base sa itsura ng dugo ay ilang araw na ito sa locker ko. Parang tanga ang may gawa nito. Akala naman niya sigurong uso sa akin ang locker? Sana inilagay niya na lang ito sa mga lugar kung saan ako madalas magpunta. Napanis tuloy ang dugong ginamit panulat at nasayang pa ang effort niya. Bigla akong nakaramdam ng pandidiri. Baka babae ang may gawa nito at regla pa niya ang ginamit dito. Eww.

Naririnig ko ang pagsinghapan ng mga nakakita sa laman ng box na animo'y gulat na gulat. Gusto ko tuloy silang tanungin kung anong nakakagulat dito.

Kinuha ko ang picture at may papel sa ilalim niyon na nakatupi. Kinuha ko ang papel at ibinalik ang litrato ko sa box. Binuksan ko ang papel. Dugo rin ang ginamit na panulat at matigas na rin. Nakasulat sa papel na...

'Umalis ka na sa school na ito kung ayaw mo pang mamatay.'

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Humagalapak ako ng tawa imbes na matakot. Ako pa talaga ang pinagbantaan niyang hindi na bago sa akin ang mga ganito. Napapatingin sa akin ang mga nadadaanan kong estudyante pero walang tigil lang ako sa pagtawa.

Ibinalik ko ang papel sa box saka iyon isinara at cool na shinoot iyon sa basurahan na medyo malayo sa akin. Three points.

Ang kaninang tawa ko ay napalitan ng nakakalokong ngisi. Isang dakilang tanga ang gumawa niyon. Sinayang lang nya talaga ang efforts niya. May nalalaman pang paguhit guhit gamit ang dugo. Ano siya? Nasa movie o drama?

"Isa kang malaking tanga." Sabi ko bago pumasok sa elevator. Hindi uso sa akin ang salitang pagkasindak bobo.











KYRA'S POV

Tamad akong nagmamaneho patungong Maharlika habang nakikinig ng music. Medyo puyat din kasi ako sa rami ng inaral ko kagabi. Syempre kailangan kong maging matalino para palagi siyang maimpress sa akin.

"Kahit makita ka lang ay masayang masya na ako." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa picture naming dalawa na wallpaper ng cellphone ko.

Pagkaparada ko ng sasakyan ko ay tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin at inayos ang kaunting gusot ng aking buhok. Gusto kong ako ang pinakamaganda sa paningin niya. Nakangiti akong bumaba ng kotse ko at maglalakad pa lang nang may humila ng buhok ko at malakas akong itinulak sa pinto ng sasakyan ko. Nakaramdam ako ng kirot sa likod ko. Napapikit ako habang iniinda ang sakit.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now