Chapter 51

659 25 2
                                    

"How are you feeling?" Tanong ni daddy. Mula nang magising ako ay ngayon lang niya ako nabisita dahil sa sunod-sunod na pagkakaroon ng problema ng kompanya ni mommy.

"Feeling better." Tugon ko.

"Kumikirot pa rin ba ang mga tahi mo?" Tanong naman ni mommy na nakaupo sa wheelchair. Wala rito si kapre dahil bumili ng pagkain sa labas kaya kami lang tatlo ang naiwan sa room ko.

"Kumikirot pa rin. Lalo na 'tong mga pasa ko. Thanks to pain reliever. Kahit papaano ay naiibsan ang kirot. How about you mommy? How are you feeling?"

She smiled genuinely. A smile that always make me calm. "Better. Kaunting pahinga lang ay maaari na akong umuwi." 

"Mabuti naman kung gano'n." Tinitigan ko si mommy at daddy. They are all smiling at me from ear to ear. Nagbuntong hininga ako."May alam ba kayo tungkol sa kondisyon ni Kai?" Seryosong tanong ko na ikinatahimik nila. Pareho silang nag-iwas ng tingin ni daddy. Mapakla akong natawa. So may alam sila? "Tsk. I think, the answer is yes. Since when?"

Matagal na namayani ang katahimikan bago nagsalita si mommy na mababakasan ng pagkakonsensya at pagkabahala ang mga mata. "Since when he's 13."

I laugh bitterly. I look up at them incredulously. "Bullshit. My best friend gonna die but my parents who knows about it don't have a plan to tell me." Hindi ko maiwasang maiyak. I can't stop my tears from falling whenever I think that my parents hide a secret about Kai's condition. Hindi ko maiwasang magtanim ng sama ng loob sa kanila.

"I'm so sorry daughter. Kai's wants to hide it. Specially from you. He doesn't want to make you suffer." Malungkot na sabi ni daddy.

Nagtagis ang bagang ko sa inis. "I already suffer when he left and didn't back for many years. And knowing he'll die soon, i-is breaking my heart. Damn! It so hurt! So hurt..." Kahit hirap ay pinilit kong bumangon. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. I want to see Kai.

"Key Anne please, come back here! Anak, hindi ka pa magaling!" Paulit-ulit na tinawag ni daddy at mommy ang pangalan ko pero hindi ako nakinig.

Iika-ikang lumabas ako ng kuwarto ko. Wala akong pakialam kahit na nanghihina pa ako. Kung masakit ang katawan ko, mas masakit ang puso ko. Mas masakit din isipin na ang best friend mo noon na pinahalagahan mo ay maaaring mamaalam anumang oras at wala man lang ako sa tabi niya nang mga panahong kailangan niya ng karamay. Marahas kong pinunasan ang mga luha pisngi ko pero useless lang din dahil walang tigil iyon sa pag-agos. He's leaving this world without planning to tell me. Why you're so selfish Kai? How dare you to hide that secret for so long to me.

"Susi! Shit! Don't walk! Damn it!" Nakakailang hakbang na ako palayo nang may pumangko sa akin. Kahit hindi ko titignan kung sino iyon ay kilalang-kilala ko na. Kahit amoy lang niya. "Hindi ka dapat naglalakad. Kung may pupuntahan ka, dapat ay sabihin mo sa akin. Ihahatid pa kita. Saan ka ba pupunta?" He looks so worried and scared at the same time while saying those words.

"C-can you b-bring me to Kai?"

He look at me for a couple of seconds before he walk without saying anything. Buhat-buhat niya ako hanggang sa makasakay kami ng elevator. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan kami ng mga tao.

Ilang sandali lang ang lumipas ay bumukas na ang elevator sa 4rth floor. Buhat-buhat pa rin niya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kuwarto na ngayon ko lang narating.

"Ito na ba 'yon?" Tanong ko.

"Yes."

Kumatok siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Bumungad sa amin ang mga magulang ni Kai na nasa amin ang paningin. May kasama rin silang teenager na lalaki na sa tingin ko ay nasa walo ang edad. Ngayon ko lang siya nakita.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now