Chapter 24

694 25 1
                                    

Lunch time na ngayon at lahat ay nasa canteen na para kumain. Kami ng mga kaibigan ko naman ay papasok pa lang sa entrance ng canteen.

Umugong ang bulungan sa paligid nang sa wakas ay makapasok na kami. Lahat ng mata ay nasa amin na para bang hinihintay ang aming pagdating.

Nawala lahat ng emosyon sa mukha ko nang matanaw si kapre na kumakain kasama si Kyra the Queen Bee.

"Ngayon ko lang nakitang kumain dito si President ah. Kasama pa si Kyra." Komento ni Elaine. Nakita rin pala ang nakikita ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis ngunit pinanatili kong kalmado ang sarili.

"Don't tell me magkasintahan 'yang mga 'yan?" Sabi naman ni Nika.

"Baka nga. Mukhang ang sweet sweet eh." Walang ganang sabi ko.

"Jealous Key?" Nakangising tanong ni Garreth.

I rolled my eyes. "Of course I'm not." Mabilis kong tanggi habang masamang masamang nakatingin sa dalawang ngayon ay nagsusubuan na.

"Eh bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo?" Panunudyo niya.

Hindi ko siya pinansin at nakipila sa mahabang pila ng mga estudyanteng umu-order ng makakain. Napa-poker face ako nang ang mahabang pila sa counter ay biglang nawala at lahat sila ay binigyan kami ng daan para maunang umorder. Ito ang mga rason kaya ayaw kong malaman ng lahat ang totoong pagkatao ko dahil sa kakaibang treatment na hindi ko gusto. Ayokong tingalain ako ng lahat. Gusto ko ng simpleng pamumuhay kung saan malaya kong nagagawa ang mga gusto ko nang hindi napapansin ng iba.

Narinig ko ang munting bungisngisan ng mga kaibigan ko dahil sa ginawa ng mga estudyante.

"Para kang Reyna ngayon Key." Natatawang bulong sa akin ni Garreth.

Inis akong naglakad patungong counter at umorder ng makakain at dahil malapit sa counter ang table nila kapre ay kitang kita ko sa peripheral vision ko kung gaano sila ka-sweet habang nag-aasaran. Kasama ni Kyra ang mga alipores niya at nakangiti ang mga itong nakatingin lamang sa dalawa na malaki ang ngiti sa isa't isa. Nag-iinit ang ulo ko at parang gusto kong manapak kaya itinuon ko na lang ang pansin sa mga ino-order bago pa ako tuluyang sumabog at makagawa ng bagay na hindi magugustuhan ng lahat.

Naiinis ako at the same time nakakaramdam ng kirot sa puso. Bwiset! Tanginang kapreng 'yan eh. Kasal na nga, nakuha pang mambabae.

Nauna akong maupo sa usual na pwesto namin. Iniwan ko ang mga kaibigan ko dahil hindi ko matagalan ang naririnig kong tawanan ng dalawa. Ugh! Ang landi niya! Ang landi landi!

Pabagsak kong inilapag ang tray na may lamang pagkain sa lamesa dahilan ng paglingon ng mga estudyanteng malapit sa pwesto namin. Hindi ko sila pinansin at inis na sinimulan ang pagkain. Dumating na rin ang mga kaibigan kong may mga pilyong ngiti at halos sabay-sabay na naglapag ng mga inorder sa lamesa.

"Ano?" Inis kong tanong sa kanila dahil sa nakakairita nilang mga ngisi.

"Nagseselos ka ano?" Nakangising tanong ni Garreth.

Imbis na sagutin ay itinuon ko na lang ang atensyon sa kinakain. Lala lang kasi ang pang-aasar nila sa akin kapag sinagot ko pa siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may maglagay ng upuan sa tabi ko saka naglapag ng tray na may pagkain at naupo sa upuan.

"Puwedeng makikain? Wala kasi akong kasama eh." Nakangiting tanong ng lalaki. Si Denver.

"Sure." Nakangiting tugon ko at bahagyang inilayo ang upuan para hindi siya masikipan.

"Ngayon ka lang ba kumain dito?" Tanong ni Nika sa kaniya. Nakangiting tumango si Denver.

"No wonder kung bakit ngayon lang namin nakita ang mukha mo rito sa canteen." Nakangiting sabi naman ni Win.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now