chapter 18

750 29 1
                                    


Key Anne's POV

After wedding, syempre palaging may honeymoon. Pero ano nga ba ang honeymoon para sa amin ni kapre?

"Crazy woman! What did you do to my short! Bakit punit punit!" Nanggalaiting sigaw niya sa labas. Nagalit ako kanina dahil inubusan niya ako ng ice cream kaya ayan ang ganti ko. Ginupit gupit ko ang maong niyang three fourth short.

Nasa isla kami ni Nika ngayon at kami lang dalawa ni kapre ang narito para daw may privacy kami. As if namang gagawa kami ng milagro.

"Ikaw babae! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!" Sigaw niya nang makapasok at nagaalab ang kaniyang mga mata sa matinding galit. Binelatan ko lang siya at mabilis na tumakbo papasok ng banyo nang iangat niya ang kanyang tsinelas at mukhang babatuhin ako. Inilock ko ang pinto para hindi siya makapasok.

"Buksan mo itong pinto!" Galit na galit niyang sigaw.

"Manigas ka riyan! Kasalanan mo 'yan, inubusan mo ako ng ice cream!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.

I took off all of my clothes and went to the shower and take a quick bath. After few miniutes ay lumabas na rin ako suot ang roba at tuwalya sa ulo habang bitbit ang damit na sinuot ko kanina saka ibanato iyon sa basket. Buti na lang wala na si kapre dito kaya malaya akong makakapagpalit.

Matapos mag-ayos ay bumaba na rin ako para magluto ng Hapunan. This the first day of our honeymoon. Tsk. May nalalaman pa silang pa honey honeymoon.

Kumunot ang noo ko nang may maamoy akong mabango. Sinundan ko ang amoy niyon at nagmumula iyon sa kusina. Dahil sa kuryusidad ay mabilis akong naglakad papunta roon at pabagsak na binuksan ang pinto only to see the kapre. Nakatalikod siya sa akin at nakashort na black at walang pang itaas saka nakasoot ng pulang apron.

Busy siguro siya masyado kaya hindi man lang ako napansin. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kaniya at sinilip kung ano ang niluluto niya mula sa likod. Hmm... mukhang masarap.

"Ano 'yang niluluto mo kapre?" Tanong ko habang nakasilip sa niluluto niya.

Nagulat siguro siya dahil bahagya siyang napatalon tapos tinapunan ako ng nakamamatay na tingin. Tsk.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong niya.

"Nagugutom malamang. Magluluto na sana pero nauna ka na pala." Walang ganang sagot ko.

"Upo ka na roon. Malapit na 'tong matapos." Masungit niyang sabi. Sinunod ko naman siya at naupo sa upuan na nakaharap sa kaniya saka nangalumbaba sa lamesa habang nakatitig sa kanyang likuran.

Nakakaaliw siyang pagmasdan mula sa likod. Ang ganda ng likod niya. Maputi masyado at mukhang pinong pino. Ngayon ko lang napansin ang braso niyang ang ayos ng pagkakahulma. Well magandang lalaki naman talaga si kapre at inaamin ko 'yon. He's an ideal type of every girls. Matalino at desente. Hindi ko rin akalaing marunong siyang magluto. One of the characteristics of my ideal man but I still don't like him. He's still the kapre that I hate the most.

"Stop staring me you crazy woman." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Teka paano niya nalaman eh nakatalikod naman siya sa akin.

"Hindi kita tinititigan kapre. Assuming ka talaga." Pagpapalusot ko.

"Kahit nakatalikod ako susi, malakas ang pandama ko kaya alam kong nakatitig ka sa akin." Tapos humarap siya ng nakangisi sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Anong nginingis ngisi mo riyan?" Taas kilay na tanong ko.

"Pinagnanasaan mo ang likod ko ano?" Nakangising tanong niya

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon