Chapter 38

714 27 1
                                    

"Susi, tapos ka na ba!" Sigaw ni kapre mula sa labas ng pinto ng kuwarto.

"Wait lang patapos na!" Sigaw ko pabalik habang nag-aayos ng buhok.

"Hihintayin na lang kita sa labas okay!"

"Okay!" 

Mabilis na tinapos ko ang pag-aayos sa sarili. Bago lumabas ay sinuri ko muna ang kabuuan ko sa salamin saka lumabas dala ang bag ko at maarteng naglakad pababa ng hagdanan nang nakangiti. Kung sinuman siguro ang makakita sa akin ngayon ay iisiping tinotopak ako. Buti na lang wala.

Masayang naglakad ako palabas ng bahay tapos ay maarteng isinara ang pinto't ni-lock.  

"Anong trip 'yan?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na 'yon at pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang mapagmasdan ko kung gaano siya kagwapo habang magkakrus ang mga paa at paa. Nakaupo siya sa hood ng kaniyang sasakyan habang nakasuot ng sunglass.

Maarte akong lumapit sa kaniya saka umikot at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Gumuhit ang nakamamamtay niyang ngiti saka kinurot ang magkabila kong pisngi at muling pinagkrus ang mga braso.

"'Wag ka masyadong magpagwapo, baka atakihin ako sa puso nang wala sa oras."  Biro ko na ikinatawa naming dalawa.

Nagulat ako nang bigla nalang niya akong pangkuhin pero imbis na magpababa ay hinayaan ko na lang siya. Nangingiti kong pinagmamasdan ang guwapo niyang mukha at maganda niyang mga ngiti.

"Ang pangit mo."

Bumaba ang kaniyang tingin at sa isang iglap lang ay madilim na ang kanyang mukha  "'Wag mo nga akong tawaging pangit, hindi ako pangit."

"Ang pangit pangit mo kaya."

Mas lalong sumama ang mukha niya. "Susi?" Nagbabanta ang kaniyang tinig.

Mahina akong natawa tapos ay nagkunwaring seryoso. "Ayaw mo n'on? Kapag pangit ka wala na akong ibang kaagaw kaya maangkin na talaga kita nang buo at wala ng iisiping aagaw sa 'yo mula sa akin. Pero okay lang kung may mga kaagaw ako sa 'yo. Hindi ko naman hahayaang makuha ka nila kasi akin ka 'di ba?"

Ang masama niyang mukha ay biglang nagliwanag. Nakagat niya ang pang ibababng labi habang nagpipigil ng ngiti. "Pinapakilig mo ba ako?"

Nagkibit balikat lang ako. Maingat niyang bisnuksan ang pinto ng sasakyan at maingat din akong pinaupo sa passenger seat. Siya na rin ang nagsuot ng seatbelt ko. Hinalikan pa muna niya ako sabay kindat bago niya isara ang pinto.

Napailing na lang ako at hindi na umimik nang makasakay siya't agad na binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis.

Pagparke ng sasakyan niya sa parkjng lot ng paaralan ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Tsk, parang kailan lang hindi namin matagalan ang isa't isa. Ngayon parang ayaw na niyang umalis sa tabi ko.

"Gentledog." Tudyo ko. Imbis na magalit ay ngumiti lang siya.

"Because you're my queen." Aniya't hinawakan ang kamay ko saka ako iginiya palakad patungong gate ng paaralan. Walang pakialam sa mga matang nakasunod sa amin. Para bang may sarili kaming mundo at walang pakialam sa paligid.

"Good morning Bryan."

Agad na nawala ang ngiti ko nang sumulpot si Kyra sa harap namin pagpasok pa lang namin sa gate. Inilingkis nito ang mga braso sa braso ni Bryan.

Nag-iwas ako ng tingin at binitawan ang kamay niya tapos ay bahagyang lumayo. Nakakahiya naman kasi sa isa riyan tsk. Ramdam ko ang paglingon ni kapre sa direksyon ko pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay nauna akong mag-lakad hindi dahil sa hinahayaan kong magpalandi siya sa iba kundi inaalam ko lang  kung ano ang gagawin niya.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now