Chapter 37

766 25 1
                                    

"SIR Bryan, ilang piraso po ba ang gagawin niyong lumpia?" One of my chef asked.

Pagkatapos ng klase ay dito na ako dumiretso sa restaurand ko para i-check ang lugar at syempre ay para gawan ng lumpia ang pinaka magandang babae sa buhay ko. Tsk, I'm so in love with that woman and all I did is to praise her.

"I think more than thirty pieces is enough." Nakangiting sagot ko habang ginagawa ang engridients ng lumpia. Siya naman ang gumagawa ng lumpia wrapper.

Matapos kong gawin ang ingridients ay nagsimula na akong magbalot ng engridients gamit ang lumpia wrapper.

Makalipas ang marami pang mga minuto sa wakas ay tapos na rin akong gumawa ng higit pa sa tatlompung lumpia dahil ang iba ay para sa mga staff ko sa restaurant.

Nakangiti kong isa'isang ihinulog sa kumukulong mantika ang mga lumpia. Habang hinihintay iyong maluto ay sinimulan kong maghiwa ng sibuyas at iba pang ingredients para sa sauce.

Nakangiti akong naggisa ng sibuyas habang paminsan minsan ay binabantayan din ang nilulutong lumpia.

"Ang bango niyan Sir Bryan ah."

Nilingon ko ang may ari ng baritonong boses na 'yon at nagmamayabang akong ngumiti sa kaniya saka ibinalik ang tingin sa niluluto.

"Of course Franco. Ako ang nagluluto eh." May bahid ng kayabangan kong sabi." And this is for the most beautiful woman in my life." Nakita ko sa sulok ng mata ko ang pag-iling ng chef na katabi ko. Rinig ko rin ang mahinang bungisngisan at tuksuhan ng mga tao sa kusina.

Pagkatapos kong lutuin ang lumpia ay naglagay ako ng mahigit dalawampung piraso sa isang tupperware saka iyon binuhusan ng sauce. Ang ibang niluto ko ay ipinamigay ko sa mga staff ng reataurant saka nagpaalam na uuwi na.

Hqbang nasa daan ay nakangiti akong napapasulyap sa paperbag kung saan naroon ang lumpia. Pakiramdam ko ay wala nang hangganan ang kaligayahang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon.

Sinasabayan ko rin ang kanta dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan. Abot tainga ang ngiti ko habang iniisip kung ano ang magiging reaction niya kapag nakita niya ang munting pasalubong ko sa kaniya. "That woman is driving me insane." Naiiling kong sabi.

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klase ng kaligayahan. Kaligayahang hindi mapapantayan ng anumang salapi.

Hanggang sa makapasok sa village namin ay naroon parin ang ngiti sa mga labi ko at hanggang sa makapasok sa gate ng bahay namin at maigarahe ang sasakyan ay hindi na nawala ang ngiti ko sa mga labi.

Masaya akong lumabas ng sasakyan dala ang paper bag ay masigla kong tinungo ang pinto ng aming tahanan. Napuno ng pagmamahal ang puso ko nang makita ko ang asawa ko sa living room na nanonood ng TV. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at nang magtama ang mata namin ay ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Damn!

Nakangiti akong lumapit sa kaniya saka naupo sa tabi niya at akmang hahalikan siya sa pisngi nang mabilis siyang lumingon dahilan para magdikit ang aming mga labi.

"Welcome kiss." Pareho kaming natawa dahil sa kaniyang sinabi.

"For my beautiful wife." Nakangiti kong inabot sa kaniya ang paper bag. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. Isinensyas ko na lang sa kanyang buksan na lang ang hawak. Agad naman siyang tumalima.

Nagniningning ang mga matang nag-angat siya ng tingin sa akin. Ikinabigla ko ang biglaan niyang pagyakap sa akin ngunit 'di naglaon ay tinugon ko rin 'yon ng mas mahigpit na yakap. Pakiramdam ko ay matagal na panahon ko siyang hindi nakita kahit ang totoo'y buong maghapon lang.

Being Married With My Mortal Enemy Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz