Chapter 20

796 30 1
                                    


Lumipas ang ilang araw at hindi na muli ako bumalik sa dagat. I was traumatized again. Hindi na rin ako kinikibo ni kapre ewan ko ba ro'n.

Kapag nagkakasalubong kami, nakatungo naman siya na parang iniiwasang magtagpo ang aming mga mata. Hay... he's being weird after what happened to me. Nakakapanibago rin pala kapag hindi kami nagbabangayan o nagpapansinan. Wahh! Nabuburyo na ako! Buong araw ay rito na ako palagi nagtatambay sa guest room kung saan ako natutulog gabi-gabi.

Mabilis lumipas ang oras at oras na ng tanghalian. Kailangan ko ng bumangon at magluto ng makakain. Ayoko namang puro asa na lamang ako sa mga luto niya. Dapat ay magluto rin ako para sa aming dalawa.

Inayos ko ang higaan ko at inayos din ang pagkakatali ng buhok ko saka lumabas ng kwarto. Ibinulsa ko ang cellphone ko at isinalampak sa tainga ang earphones ko para makinig ng music.

Bahagya akong natigilan nang makasalubong ko siya sa hagdanan pero hindi ko iyon ipinahalata. Gumilid siya at gumilid din ako. Walang imikang nilampasan namin ang isa't isa.

Nang makapasok sa kusina ay naghugas ako ng kamay at sinimulang ihanda ang mga lulutuin. Mula rekado hanggang sa kagamitan. Inilabas ko ang manok mula sa ref saka iyon iminarinate gamit ang vinegar para mawala ang lansa. Pagkatapos ay sinimulan ko na ring maghiwa ng mga Ingredients.

Nang prepared na ang lahat ay sinimulan ko na ang pagluluto. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang mapakanta tapos ay kekembot kembot.

"Do you realise, I don't want you to apologize, Mmm~" pagsabay ko sa kantang leaving the lights on ni Etham Basden habang nagsasandok. Ganito na talaga ako kapag walang nakakakita sa akin. Lumalabas ang kabaliwan.

"I'm done with your lies-" Natigil ako sa pagbirit ko nang malakas na bumukas ang pinto. Inalis ko ang isang earphone na nasa kaliwang tainga ko at nilingon ang may kagagawan niyon.

"Ang ingay mo." Walang ganang sabi niya at inirapan pa ako.

"Hoy Kapre bakla ka ba?"

Nakangisi niya akong nilingon. "Wanna try me?" Nakangising tanong niya saka lumapit sa akin.

"H-hoy kapre anong trip 'yan? Nakashabo ka ba?" Kinakabahang tanong ko at umatras.

"Sabi mo kasi bakla ako eh. Para sa kaalaman mo susi. I'm a pure man. Wanna taste me?"

Dinuro ko siya ng sandok habang patuloy na umaatras. "S-subukan mong lumapit kapre sinasabi ko sa 'yo, ipapalo ko s-sa 'yo 'tong sandok." Kinakabahang banta ko.

"Kung iyan din lang ang gagamitin mong pamalo, parang kagat lang iyan ng lamok eh. Ikaw kaya? Masarap kagatin?"

"M-manyak! 'W-wag kang l-lumapit! S-sisigaw ako ng rape!" Kinakabahang sigaw ko.

"Sa tingin mo namang may makakarinig sa 'yo. Kahit maputol 'yang litid mo kakasigaw ay walang makakarinig sa 'yo. Hmmm... what about screaming my name in our bed? Sounds good."

Napalunok ako nang wala na akong maatrasan. Nasa harap ko na siya at na-corner na ako. Amoy na amoy ko ang malakas na pabango niya. Ugh! Damn this kapre!

"Gagong kapre! L-lumayo ka nga!"

"Yeah susi, thanks for the compliment." Halos maduling ako nang ilapit niya ang mukha sa mukha ko. "Ang guwapo ko 'di ba?" Kinindatan niya ako pagkatapos ay ngumisi ng pilyo saka kinuha ang sandok sa kamay ko bago lumayo.

Lihim akong napahawak sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ano 'tong niluluto mo?" Tanong niya habang hinahalo ang ang ulam na niluluto ko.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now