Chapter 42

628 19 1
                                    

"Kumusta ang pag-uusap niyo?" Mahinang tanong ni kapre nang makaupo ako sa tabi niya. Narito na ang professor namin at nagsisimula nang magturo.

"Walang kuwenta." Walang ganang sabi ko.

"Ayos ka lang?"

"I'm not." Pag amin ko. Hindi talaga ako okay. I can feel it. Kai is hiding something fom me. At ang tanong, ano 'yon? Bakit hindi niya masabi sa akin kung ano ang itinatago niya?

"Kung anuman ang bumabagabag sa 'yo, palagi mong tatandaang narito lamang ako."

Tumango ako at ngumiti. "Salamat." Mahinang sabi ko.

He just smile then intertwined our hands.





BREAK TIME na sa hapon. Lahat ay masaganang nagmimiryenda habang ako ay nakatulala lang sa kawalan habang naglalakbay ang isip. Nagtatanong kung bakit sa hinaba-haba ng panahong umalis si Kai ay ngayon lang ito nagpakita. I can see the sadness in his eyes whenever our eyes meet.

"Nakatulala ka na naman." Boses iyon ni Kapre na pumukaw sa malalim kong pag-iisip.

"I'm sorry."

Pilit akong ngumiti sa kaniya saka sinimulang kainin ang pagkain kong hindi ko pa nagagalaw habang siya ay patapos na. Tumigil siya sa pagsubo saka ako mataman na pinakatitigan kapagkuwan ay bumuntong hininga at muling ibinalik ang atensyon sa kinakain. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty. Baka iisipin na niyang kasama ko nga siya ngunit iba naman ang laman ng isip ko.

Hinuli ko ang dalawang kamay niyang may hawak na tinidor at kutsara. Natigilan siya't nagtatakang nag-angat siya sa akin ng tingin. Dumukwang ako saka siya hinalikan. Walang pakialam kung maraming nakatingin. That's just a quick kiss pero iba ang epekto sa akin. Nagawa niyong palakasin at pabilisin ang tibok ng puso ko.

Umupo ako sa upuan ko. Sinalubong ko ang kaniyang tingin saka masuyo siyang nginitian. "I love you."

Nakagat nito ang pang-ibabang labi para supilin ang ngiting gustong kumawala doon. Ikinabigla ko ang pag-agaw niya ng kamay niya saka iyon mabilis na itinakip sa mukha niya. Nawala rin ang pagkabigla ko nang makita ang pamumula ng kaniyang tainga. Nang-aasar ko siyang tinawanan.

"Are you blushing my kapre?" Nanunudyong tanong ko. Mabilis itong umiling na ikinahalakhak ko. "Auuhh... my kapre is blushing."

Masama ang mukha niyang nag-angat sa akin ng tingin habang pulang-pula pa rin ang buo niyang mukha. "Kasalanan mo 'to eh."

"Bakit? Anong ginawa ko sa 'yo?" Inosenteng tanong ko na mas lalong ikinasama ng mukha niya.

"Basta kasalanan mo 'to. Bigla-bigla ka na lang kasi nag a-I love you nang hindi ako handa." 

Nanggigigil kong inabot ang kaniyang pisngi saka iyon mahinang kinurot. M "Bakit? Mahal naman kitang talaga ah." Tinapik niya ang kamay ko palayo at muli siyang nagtakip ng mukha. "Mahal na mahal kita kapre. Sobra sobra. Narinig mo? Mahal kita."

"Stop it Susi, mas lalo mo akong pinapakilig eh."

Natatawa akong nangalumbaba habang pinagmamasdan siyang itinatago ang mukha sa mga palad niya.

"Ang sweet sweet niyo eh maghihiwalay din naman kayo. Walang poreber mga peste." Sabi ni Adrian nang mapadaan sa mesa namin.

Masamang tinapunan ni Bryan si Adrian ng tingin. Unti-unti na ring nawawala ang pamumula ng mukha at tainga niya. "Ulitin mo Adrian." May diing sabi niya. Tinawanan lang siya ni Adrian na may dalang pagkain at lumapit sa mga kaibigan kong abala sa pakikipag-asaran sa ibang mga myembro ng SSG Officers. "Nakakainis." Nakanguso nitong sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya para kunin ang atensyon niya. Matamis ko siyang nginitian saka pinisil nang mahina ang kamay niya.

"Don't mind him. I'm sure, nang-aasar lamang iyon." Mahinahon kong sabi pero ang nakasimangot niyang mukha ay naroon pa rin.

"Walang nakakatawa sa pang-aasar niya at hinding-hindi tayo maghihiwalay. Hindi ba? Tayo hanggang sa huli hindi ba?" Bakas ang pag-aalala at takot sa kaniyang mga mata.

Masuyo ko siyang nginitian. "Ito ang palagi mong tatandaan, mahal kita at hangga't alam kong mahal mo rin ako ay hindi ako bibitaw sa 'yo. Maliban na lang kung ikaw na ang bibitaw."

He glared at me. "Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan, hindi kita bibitawan ano. Patay na patay kaya ako sa 'yo. Mahal na mahal kita at pahahalagahan ko ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Hindi kita susukuan Key Anne. Hindi ako bibitaw kahit gaano pa kahirap ang pagsubok na darating sa buhay natin dahil walang kwenta ang buhay ko kung wala ka. I love you so much my susi, my Key Anne, my wife." Inilapit niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya sa bibig niya saka iyon masuyong hinalikan nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko kung hindi niya lang iyon pinunasan. "Hey, why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.

"Masaya lang ako. 'Cause being Married with my mortal enemy was the most amazing happened in my life." Naiiyak kong sabi saka mabilis na pinunasan ang mga luha bago pa 'yon mapansin ng mga nasa paligid namin.

"We have the same thought." Bakas ang kasiyahan sa kaniyang mga mata. "Let's continue eating?"

Nakangiti akong tumango at pinagpatuloy ang pagkain. I feel like I'm in paradise with this amazing man in front of me. I'm so lucky to have him and I will promise to myself that as long as I'm breathing, I will never stop loving him.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now