Chapter 6

803 28 2
                                    


"Waaahhh tama na! Aray! Aray! Suko na ako!" Paulit-ulit na sigaw ko habang pinagdadaganan pa rin nila ako.

"'Yan kasi aalis ka nang hindi nagpapaalam! Alam mo bang pinahanap pa kita sa mga NBI?" Galit na sabi ni Nika.

"Ano ba! Tigilan niyo na ako! Baka masira 'tong uniform ko!" Sigaw ko ulit ngunit patuloy lang sila sa ginagawa! Bwiset! Paniguradong mukha akong ni-rape pagkatapos nito!

"Bagay lang 'yan sa 'yo! Kaibigan mo kami pero hindi mo man lang sinabing dito ka na pala nag-aaral!" Sigaw naman ni Garreth.

"Ano ba sabing tama na eh!"

"Tanga ka ba! Ganiyan ka namin kamiss!" Nanggigigil na sabi ni Win.

"Mga baliw! Baka tuluyan nang masira ang uniform ko!"

"Wala kaming pakialam! Marami kang pera!" Sigaw sa akin ni Win sa tapat pa talaga ng tainga ko kaya halos mabingi ako. Argh!

"Nagtitipid ako ano ba!"

Bigla silang tumigil tapos ay umalis sa pagkakadagan sa akin. Tinitigan niya ako nang mabuti kung nagsasabi ba ako ng totoo. Nagtsk ako at umupo saka sinuklay gamit ang kamay ang buhok kong nagulo. Sa wakas ay nakahinga na rin ako ng maayos.

"Narinig niyo 'yon? Nagtitipid daw!" Natatawang sabi ni Elaine habang nakaturo sa akin.

Tapos bigla silang humagalapak ng tawa na parang sila sila lamang ang tao sa buong canteen.

"Mukhang naghihirap ka na nga!" Tawa nang tawang sabi ni Win.

"So bakit nga kayo nandito?" Tanong ko nang humupa na ang kanilang pagtawa. Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin kami sa sahig. Walang pakialam sa mga matang gulat na nakatingin sa amin.

"Dito na kami mag-aaral!" Masayang anunsyo ni Garreth.

"Bakit nga pala wala ka sa ABM kaninang umaga? Ineexpect pa naman naming masusurpresa ka namin pagpasok pa lang namin." Ani Elaine.

"Huh? STEM ang strands ko remember?" Nagtatakang sabi ko.

"Sabi nitong si Garreth nagpalit ka raw at ABM ang kinuha mo! Ginamit ko pa ang pangalan ni Daddy makapasok lang sa ABM!" Galit na sabi ni Nika tapos ay binatukan nila si Garreth. Lahat kasi kami ay parehong STEM mula grade 11.

"Aray masakit!" Reklamo ni Garreth.

"Masasaktan ka talaga! Magbibigay rin lang ng impormasyon mali pa!" Sigaw naman ni Win sa kaniya.

Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko. Salamat at nagusot lang hindi nasira.

"Sabi kong hula lang iyon 'di ba?"

"Kahit na! Dapat sinigurado mo pa rin!" Sigaw ni Elaine kay Garreth.

"Excuse me? Do you know that poor?" Lahat ng mga kaibigan ko ay nilingon ang nagtanong. Si Kyra.

"Who's poor?" Nagtatakang tanong ni Nika.

"She." Tugon ni Kyra sabay turo sa akin.

Nagpalipat lipat ang tingin nila sa akin at sa babae. Maya maya pa... "Hahahahahahahaha!" Malakas na tawa nila.

"Bakit kayo tumatawa?" Nagtatakang tanong niya.

"Wala natatawa lang kami." Tumatawang tugon ni Win.

"Oo naman kilala namin 'yang poor na 'yan. She's our bestfriend by the way." Natatawang paliwanag ni Garreth na diniinan pa ang salitang poor.

"Pati ba naman kayo lalaitin pa ako?" Nakasimangot na sabi ko.

She just wink at me. 'Makisakay ka na lang.' She mouthed.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now