Chapter 5

848 33 2
                                    


"Baby, baby gising." Naalimpungatan ako dahil sa yumuyugyog sa balikat ko. Dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sa akin ang nakangiting si mommy. "Bangon na Key Anne, kakain na."

Dahan-dahan akong bumangon at nagkusot ng mata saka nag-inat. "Anong oras na po ba mommy?" I asked in a sleepy voice.

"Alas otso na ng gabi."

"Sige po mommy mauna na kayong bumaba susunod ako. Maghihilamos lang po ako."

"Sige." Humalik siya sa pisngi ko saka lumabas.

Muli akong nag-inat at bumangon saka tinungo ang banyo para maghilamos. Nang matapos ay itinali ko ang buhok ko at lumabas na ng kuwarto.

"Good evening ho ma'am." Bati sa akin ng kasambahay namin na nakasalubong ko sa hagdanan.

"Good evening din ho." Bahagya akong ngumiti sa kaniya bago siya lampasan.

Nang makapasok sa dining room ay naroon na Si Daddy sa dulo ng dining table katabi si Mommy na nakangiti habang nakikipag-usap sa kanya.

Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi nila. "Good evening daddy."

"Good evening din Key Anne. Take a seat." Umupo ako sa upuang malapit sa kanila at sinimulang kumain. "Kumusta ang maghapon?"

"Okay naman po."

"Wala ka bang nakaaway sa araw na ito?" Nakangiting tanong ni mommy.

Mayroon pong nakabangayan. 'Yong kapreng SSG President. Marami rin pong nang iinsulto sa akin kulang na lang ay tawagin na akong salot. Gustong gusto kong sabihin kaso ay baka mag-alala sila at puntahan pa ang school na pinag-aaralan ko para lamang magreklamo. Pinaka ayaw ng mga magulang ko ay iyong sinasaktan ako dahil sa kamay nila, hindi ko iyon naranasan buong buhay ko.

"Wala naman po Mommy. Ang babait nga ng mga estudyante sa paaralang pinapasukan ko eh." Masayang sabi ko. Sa sobrang bait nila, sarap ipakain sa buwaya.

"Mabuti naman kung ganoon. Sana hindi ka na maki-kick-out diyan. We are expecting you'll be a good student in your new school." Magiliw na sabi ni Daddy. 

Hindi na ako nagsalita pa at kumain na lang hanggang matapos.







MAAYOS ang gising ko nang sumapit na ang umaga. Walang nang-istorbo kaya mahimbing akong nakatulog. Gaya ng nakasanayan ay naglalakad na naman ako putungong gate ng Village namin habang may hawak na payong pangontra sa init ng sikat ng araw.

"Kasing ganda niyo po ang umaga ngayon ma'am Key Anne." Biro sa akin ni kuyang security guard.

"Mas gwapo naman po kayo kay Piolo Pascual kuya." Nakangiting biro ko pabalik.

"Kayo ho talaga masyadong mapagbiro." Natatawang aniya.

"Para hindi agad tumanda kuya." Sabi ko sabay kindat sa kanya saka siya nilampasan.

Jeep naman ang sasakyan ko ngayon dahil mayroon namang nagbabyahe na dumadaan patungo sa Maharlika International School. Ang paaralan ng mga maaarte at assuming na pinamumunuan ng isang kapreng utak ipis.

"Saan ho kayo Miss?" Tanong ni kuyang driver ng jeep.

"Kuya sa Maharlika International School po." Tugon ko.

May mga nakasabay akong ilang mga estudyante na mukhang nag-aaral sa mga public school at nagtataka silang nakatingin sa akin.

"Ate sa Maharlika ka talaga nag-aaral?" Tanong ng katabi kong mukhang junior high pa lang.

Being Married With My Mortal Enemy Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ