Chapter 15

746 36 1
                                    

Tumayo ako sa kinauupuan ko nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Hindi naman ako nahihilo dahil hindi ko ugali ang maglasing. Ang mga kaibigan ko naman ay nanatili lang sa kinauupuan. Hindi na yata umalis simula nang makarating.

Lahat rin ng nagpapansin na lalaki ay iniignore lamang namin. Well, hindi uso sa amin ang panlalalaki. Kapag iinom, ay iinom lang. Walang landi landi.

"Hey." Rinig kong tawag pansin ng lalaki habang naglalakad ako patungong ladies room pero hindi ko siya nilingon. Baka mamaya iba pala ang tinatawag niya at nakakahiyang mag assume. "Miss na naka green na blouse, sandali!" Sigaw niya.

Sa pagkakataong ito ay huminto na ako at nilingon siya. "Ako ba?" Turo ko sa sarili ko.

He nodded as he approach me. Hmm... may itsura sana siya pero puno naman ng piercing ang kaniyang magkabilang tainga, pati kilay at ilong ay mayroon din. Nagmukha tuloy siyang addict sa paningin ko.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang lumilingon." Natatawang sabi niya.

"Anong kailangan mo?" Diretsong tanong ko. Alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito at wala akong panahon para i-entertain siya.

"Makikipagkilala?" Patanong niyang sagot.

"I'm not interested." Mabilis ko siyang tinalikuran at patakbong pumasok sa ladies room na katapat lamang ng pang lalaking banyo.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle para magbawas. Matapos ay tinungo ang sink para maghugas ng kamay at maghilamos na rin saka nagpunas ng tissue.

Luminga-linga ako sa paligid pagkalabas ko para siguraduhing wala na ang lalaki. Buti na lang hindi na niya ako sinundan pa. Sisipol sipol akong naglakad pabalik sa pwesto namin. Maaliwalas ang mukha at parang walang problema ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa mga kaibigan ko ay bumagsak ako nang patihaya sa sahig dahil sa malakas na paghila sa buhok ko. Natigilan ang mga nakakita ang iba nama'y napasinghap habang ako ay namimilipit sa sakit at pakiramdam ko ay parang dumoble ang paningin ko. Nakakahilo.

Babangon na sana ako nang may maupo sa tiyan ko at pinaulanan ako ng magkakasunod at malalakas na sampal. "Ikaw! Anong ginawa mo kay Bryan! Bakit nabalitaan ko na lang na ikakasal na kayo?! Nilandi mo siya sigurado! Malandi ka talaga!" Galit na galit niyang sigaw sa akin. Hindi ko man makita ang mukha niya ay kilala ko naman siya sa boses.

"T-tama n-na!" Sigaw ko dahil halos mamanhid na ang mukha ko sa kakasampal niya sa akin pero patuloy lang siya sa ginagawa. Hindi ko sya maitulak dahil nakadagan siya sa mga kamay ko. Naalis lang siya sa ibabaw ko nang may humila sa kaniya palayo sa akin. Habol ang hiningang nagmulat ako ng mata. Pinapalibutan na pala kami ng mga tao sa bar.

"This is the third times you hurt our best friend! Why you are so stubborn!" Rinig kong sigaw ni Nika. Base sa boses niya ay mukhang galit na galit siya.

Nang okay na ako ay dahan-dahan akong bumangon. Nawala lahat ng emosyon sa mukha ko at nilukob ako ng matinding galit. Binalingan ko si Kyra na nakaupo na sa sahig at galit na galit. Nag aapoy ang kanyang mata sa matinding galit habang nakatingingala sa akin pero mas galit ako.

"You slut!" Tumayo siya at pipigilan na sana nila Nika ngunit sinenyasan ko silang huwag makialam.

Kalmado ang mukha ko pero nag-aapoy sa galit ang loob ko. Hahawakan na sana niya ako sa buhok ngunit inunahan ko siya at marahas na hinila ang kaniyang buhok pabagsak sa sahig padapa.

Lalapit na rin sana ang ilan para umawat ngunit agad ding napaatras nang balingan ko sila ng malamig na tingin.

"Aaahhhh!" Sigaw niya nang apakan ko ang kamay niya at diininan iyon.

Being Married With My Mortal Enemy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora