Chapter 9

756 25 1
                                    


Agad kong ipinarke ang kotse ko sa space na nakita ko at bumaba. Nagulat ang mga nakakita. Lahat sila ay parang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Anong problema nila?

"Is that yours?" Maarteng tanong ng babaeng estudyanteng lumapit pa talaga para lang kumalap ng tsismis.

"Hindi hiniram ko lang." Puno ng panunuyang sabi ko.

"Oh I see. Buti pinahiram ka ng may-ari niyan. Halata naman kasing hindi mo kayang bumili niyan." Peke syang tumawa.

Ang bobo nito. Tinalikuran ko siya at hindi pinansin ang mga nagbubulungan sa paligid. Nakaka-highblood ang mga student dito. Parang mga ignorante na ngayon lang nakakita ng kagaya ko.

Nang nasa hallway na ako ng building ay kinuha ko ang maliit na mineral bottle sa bag ko saka iyon binuksan at uminom. Umugong na naman sa paligid ang bulungan habang umiinom ako ng dubig at naglalakad. Konti na lang mapapamura na ako. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa pagkabadtrip.

May naririnig akong mga tili pero sige lang ako sa pag-inom. Paki ko ba sa kanila.

Bumagsak ako sa sahig at natapon ang hawak kong bote na may laman pang tubig sa kung sinumang nasa harap nang may pumatid sa akin. Mas umingay ang paligid ngunit ang masakit na katawan ko ang napagtuunan ko ng pansin. Dahil padapa akong bumagsak ay nadamay pati mukha ko. Ang sakit. Para akong napango. Dahan-dahan akong tumayo. Nahihilo pa ako nang may humablot sa kamay ko.

"Ikaw! Punasan mo 'to!"

Bahagya kong ipinilig ang ulo bago inaninag ang sumigaw sa akin at si kapre lang pala na hindi maipinta ang mukha. "Ano bang sinasabi mo?" Mabigat ang hiningang tanong ko. hinugot ang tanging natitirang panyo ko at ipinunas iyon sa ilong kong inaagusan ng likido. Nang makita kong dugo iyon ay nagsalubong ang kilay ko tapos ay muli kong pinunasan.

"Look at what you had done to my slacks crazy woman!" Galit na galit niyang sigaw.

Bumaba ang tingin ko sa slacks nya. Basa ang kaliwang hita niyon pababa sa binti. Muli kong ibinalik ang paningin sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Bumuga ako ng hangin saka itinapon ang panyo sa basurahang malapit lang sa kinatatayuan naming dalawa.

"I'm sorry." Kalmadong paghingi ko ng paumanhin."Look, what happened was an accident. I didn't mean to throw the bottle of mineral water on your slacks. Again, I'm sorry."

"I'm not accepting any sorry from you crazy woman." Matiim niya akong tinitigan kakaiba ang emosyon sa kanyang mga mata. Ngayon ko lamang nakita ang mga iyon. "Punasan mo 'yan." Walang emosyon ng sabi niya.

Kinagat ko ang dila ko para 'wag siyang masigawan. "Wala akong ibang panyong dala kapre maliban sa panyong itinapon ko na sa basura." Walang ganang sabi ko.

"Maghanap ka ng paraan!" He shouted.

Buwiset naman oh. Isa pa 'tong bobo eh. Alangan namang libutin ko ang school para lang makahanap ng pangpunas sa slacks niya? At ano bang hindi niya maintindihan sa salitang wala?

Nanonood lang ang mga kasamahan niya sa SSG at wala man lang ginagawa ang mga ito para pigilan ang kapre nilang presidente na utak ipis.

"Eh anong ipupunas ko riyan? Uniform ko? Asa!" Sigaw ko rin sa kanya pabalik.

"You just give me a nice idea. Yeah susi, wipe my slacks with your uniform. Do it now susi, do it now."

Sa sobrang inis ay malakas ko siyang sinapak. Hindi ito natumba pero nabaling ang kaniyang mukha sa kaliwa. Narinig ko ang pagsinghap ng mga nakakita. Ang mga kasama naman niya ay nagpipigil ng tawa at ang iba ay mahinang napabungisngis.

Being Married With My Mortal Enemy Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum