Chapter 50

649 26 1
                                    


Mabilis lumipas ang oras at gabi na. At simula nang mailipat ako ng kuwarto ay hindi na ako nawalan ng bisita. Gaya na lang ngayon.

"'Wag niyo ngang kainin 'yang mga prutas, para lang kay Key Anne 'yan." Saway ni Denver kina Xian, Harold at Miko na kanina pa kinakain ang mga prutas na dala nila para sa akin pero sila rin lang yata ang kakain.

"Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sarap ng grapes eh." Rason ni Xian na mabilis ang bawat subo ng grapes.

"Natatakam din ako sa itsura ng orange. Hinog na hinog." Wika naman ni Harold habang binabalatan ang pang lima na yatang orange na kakainin niya.

"Favorite ko ang saging kaya 'wag kang ano riyan, hindi dapat pinagdadamot ang pagkain." Si Miko naman iyon na ngumunguya ng saging.

"Nagdala pa kayo. Kayo rin lang pala ang kakain, nakakahiya naman sa inyo." Si kapre iyon na masama ang tingin sa tatlo.

"Hayaan mo na sila, hindi ko rin naman 'yan kayang kainin lahat." Saway ko sa kaniya.

"Kung hindi lang sila naging malapit sa akin, pinalayas ko na sila." Nakasimangot niyang sabi.

"Hoy! Hindi para sa inyo 'yang cake na 'yan!" Saway ni Garry kina Rico, Vincent, Adrian at Niko na nilalantakan ang cake na get well soon gift sa akin ng mommy ni Kai.

"May nalalaman ka pang pasaway saway riyan eh ikaw nga 'tong kanina pa pasimpleng kinakain 'yang mga chocolates na para kay Key Anne." Asik ni Vincent sa kaniya.

Natigil si Garry sa ginagawang pagbalat sana ng chocolate pero sa huli ay tuluyan iyong binalatan at walang sabi-sabing isinubo.

"Ang sarap nito. Saan galing 'to Key Anne?" Tanong sa akin ni Rico.

"Sa mommy ni Kai." Sabi ko.

"Ang sarap. Saan kaya niya ito binili?" Si Niko naman ang nagtanong.

"She bakes that." Nakangiting tugon ko.

"Wow. Parang gusto ko tuloy magpagawa ng kakainin ko lang." Si Adrian naman iyon na mabilis ang subo ng cake.

"Pwede naman magpagawa ng cake sa kaniya o umorder na lang kayo. May malaking bake shop sila sa US. Malayo nga lang."

Lahat nung apat na kumakain sa cake ay nagningning ang mga matang nilingon ako. "Wow. Magkano ang isa nang maka-order naman." Si Niko iyon.

"Pinakamura, 2,500 dollars." Parang wala lang na sagot ko pero ang apat ay parang natikom ang bibig at hindi nakaimik.

"Katumbas ng allowance ko ang halaga." Nasa-shock na sabi ni Rico.

"Hindi na yata ako makakakain ulit ng ganitong kasarap na cake." Nanlulumong sabi ni Adrian.

"I would like to visit that bakeshop and eat all the flavors of cakes they have." Parang nag-iimahinasyon na sabi ni Vincent. "I'll talk to my father about this cake tonight. I'm sure he would like to visit that bake shop too." Nagniningning ang mga matang sabi niya. "What's the name of the bake shop Key Anne?" Baling niya sa akin. 

"Sabi ng mommy ni Kai, they named their bake shop after the second name of their first child. And it was Kai. Their first child. The name of the bake shop is The Emerson's Bake Shop."

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala kung bakit nila ipinangalan ang bake shop na 'yon kay Kai. Sabi ng mommy ni Kai nang bumisita ulit siya ay ipinangalan daw iyon kay Kai dahil sa hilig nitong kumain ng cake at para raw hindi nila makalimutan si Kai kahit dumating man ang pangyayaring hindi nila aasahan.

"Hoy Vincent, pasalubong ha?" Ani Niko na pumukaw sa pag-iisp ko.

"Tsk. Hindi ko pa nga nasasabi kay dad nanghihingi ka na ng pasulubong." Walang ganang sabi ni Vincent kay Niko.

"Advance ako mag-isip eh kaya advance din ako manghingi ng pasalubong." Ani Niko.

"Nagpapalusot ka pa, ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga." Kontra ni Welder na  masama ang tingin kay Niko.

"Magsipaglayas na nga lang kayo. Imbis na nandito kayo para bumisita ay narito lang kayo para mambwisita." Masungit na sabi ni Tristan.

"Hoy bata, 'wag mo nga kaming mapalayas-layas, hindi ikaw ang binisita namin dito kundi si Key Anne." Masungit ding sabi ni Adrian kay Tristan.

"Ikaw na 'tong nagpapalayas eh 'yong pasyente nga hinahayaan lang kami." Sabi naman ni Miko.

"Tama na 'yan, umuwi na tayo. Gabi na. May pupuntahan pa ako." Singit Steven na ngayon ko lang narinig na magsalita mula nang dumating siya.

"Pwede ba Steven, pwede ka namang umuwing mag-isa." Sabi ni Welder kay Steven na walang gana siyang tinignan.

"Ganon ba? Sige magtaxi na lang kayo." Sa sinabi niyang iyon, lahat nagkani-kaniyang tayo at paalam. At sa isang iglap lang ay ako, si kapre, Steven at Tristan na lang natira.

"Tsk. Mga baliw talaga." Naiiling na sabi ni Steven. "Uwi na ako. Get well soon Key Anne." Nakangting tumango ako sa kaniya. Nagpaalam din siya kay kapre bago lumabas.

"Ikaw? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko kay Tristan.

"Uuwi na rin pero pupuntahan ko pa muna si Tita. Doon kasi dumirerso sila mommy matapos kang kamustahin." Nakangiting sabi niya saka tumayo't nagpaalam na aalis na rin.

"Fuck you officers." Naiinis na mura ni Bryan habang namumulot ng mga basurang nagkalat kung saan saan. "Fuck those officers. Nagkalat lang ang mga gago."

Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niyang hindi maipinta. "Need help?" Tanong ko.

Masama ang mukhang nag-angat siya sa akin ng tingin. "You wanna die?"

"I'm just asking for a help okay? You're so mean."

Tumalim ang kaniyang tingin. "Really? Tapos ano? Mabibinat ka? At kapag nabinat ka, mas lala ang lagay mo? At kapag lumala ang lagay mo? Mababaliw ako? Kaya diyan ka lang." Striktong sabi niya't muling nagmura habang nagliligpit.

"'Di kaya nagiging OA ka na kapre? Kaya ko naman ng kumilos eh."

Namaywang siya't humarap sa akin. "Hindi ito pagiging OA susi. Inaalagaan lang kita nang mabuting mabuti dahil ayaw kong may mangyari ulit na masama sa 'yo. Kakaopera lang sa 'yo at hindi mo alam kung gaano ako katakot noong mga panahong nasa OR ka at nag-aagaw buhay." His eyes are full of sadness and concerns as he says those words.

Hindi na ako nakipag argumento pa. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon