Chapter 46

632 21 2
                                    

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas. Hindi pa rin sila nahahanap. Walang bakas na makakapagturo kung nasaan sila. Wala ring witness na nakakita sa nangyari. Walang CCTV na malapit sa lugar. Sa dalawang linggong lumipas, para akong mababaliw kakaisip kung ano na ang lagay nila, kung kumain na ba sila? O kung nasaan na kaya sila. Sa tuwing susubukan kong maghanap, wala akong mahanap. Paano ba naman hahanapin ang nawawala kung hindi mo alam kung saan sila hahagilapin?

"Bullshit!" Inis na sinipa ko ang batong nasa dinadaanan ko. I'd never felt helpless just this time. I sighed trying to calm myself. In that 2 weeks, I did not sleep well. All I think is their safety.

I let out a heavy breath. I missed hearing her laughs. I missed teasing her. I badly want to pulled her closer to me, hug her tight and won't let her go. Damn... I badly missed my wife and her not here with me making me sleepless and frustrated.

"Bryan!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Mga kaibigan ni Key Anne pala na ngayo'y papalapit na sa akin.

"Hey." Walang ganang bati ko.

"Nahanap na ba sila?" Tanong ni Elaine. Malungkot akong ngumiti saka umiling. Lahat sila ay bumagsak ang mga balikat. "We already did our best but we're failed to find them." Dagdag pa niya.

"Saan ba kasi nagbakasyon ang tang*nang iyon?" Naiinis na tanong Garreth.

"Tanga. Anong bakasyon? Upakan kita riyan eh. Hindi 'yon nagbakasyon!" Kontra ni Win sa sinabi ni Garreth. Tinignan siya ni Garreth na para bang ipinapahiwatig kung gaano ito kabobo. Inirapan lang naman siya ni Win.

"Balitaan mo lang kami kapag nahanap na sila." Seryosong sabi ni Nika sa akin. Tumango lang ako at pilit na ngumiti.

"Hali na nga kayo, malapit na ang time. Magre-report pa ako." Aya ni Elaine sa mga kasama.

"Mauna na kami Bryan."

"Sige." Tanging lumabas sa bibig ko.

Malungkot nila akong nginitian bago sila sabay-sabay na nauna nang maglakad dahil ang bagal ng bawat hakbang ko. Malapit na ako sa senior high's building nang may tumapik ng balikat ko. Nilingon ko ang may kagagawan nginitian naman niya ako.

"Sup best friend?" Nakangiting tanong niya.

Pilit akong ngumiti. "Okay naman Kyra."

Tinitigan niya ako nang ilang sandali tapos ay muli siyang ngumiti. "Wala pa rin bang balita tungkol sa kanila?"

Ang pilit na ngiti ko ay unti-unting naglaho. "Wala pa rin."

Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para bumaba ang tingin ko roon. "Basta narito lang ako para sa 'yo." Senserong sabi niya.

"Salamat."

"Paano? Dito na ako?" Aniya tinutukoy ang silid aralan nila.

"Sige." Tugon ko. Pinakatitigan niya pa ako nang ilang sandali bago siya tuluyang lumayo at pumasok na sa classroom nila. Ako nama'y mabigat ang loob na sumakay ng elevator.

Nang makapasok sa room ay nagsisimula na magturo ang professor namin.

"I'm sorry ma'am, I'm late." Paumanhin ko.

"It's okay. I understand." Nakangiting sabi niya. "Are you okay Mr.Stewart?" Maya-maya ay tanong niya.

Umiling ako bilang tugon tapos ay dumiretso na ako sa upuan ko. Pagkaupo ko ay napalingon ako sa katabi kong upuan ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko. Damn, I fucking missed you.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon