Chapter 3

918 35 5
                                    


Antok na antok pa lang ay nagising na ako sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Tamad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Hoy gaga! Bakit hindi mo sinabing nag-transfer ka na pala! Ay, mali pala nalaman namin sa principal mismong kicked-out ka na! Alam mo bang nag-alala kami nang sobra!"

Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone ko dahil sa matinis na boses na iyon ni Garreth. One of my best friend.

"Kicked-out na nga at oras pa ng klase sa tingin mo ay makakapagpaalam pa ako sa inyo?" Sabi ko sa inaantok na boses.

"Anong silbi ng cellphone ha? Uso naman tumawag hindi ba?" Medyo mahina nang sabi niya.

"Alangan namang tawagan ko kayo sa oras ng klase eh 'di mapapagalitan pa kayo."

"Tanga! Eh 'di tumawag ka kapag walang klase!"

"Oo nga ano? Bakit hindi ko naisip iyon?" Sabi ko na kakamot kamot ng ulo. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?

"Kapag magkikita tayo, lagot ka sa akin! Sa am-"

Pinatay ko na ang tawag dahil ang sakit niya sa tainga. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at halos gusto ko ng bugbugin si Gareth sa isip ko dahil 1:05 AM pa lang! Ugh! Tumawag siya para lamang doon nang ganito kaaga? What the!

Pinilit kong matulog ulit dahil antok na antok pa ako at gusto pang matulog ng mata ko pero ang diwa ko, gising na gising na! I hate you Garreth! Mamatay ka na sana!

"Mommy!" Sigaw ko nang kahit anong pilit ko ay hindi na talaga ako makatulog.

Malakas na bumukas ang pinto at iniluwa niyon si mommy na mababakasan ng sobrang pag-aalala ang mukha. "Bakit baby? What happened? May nakita ka bang mumu? Baby tell me!" Sunod-sunod na tanong ni mommy nang makalapit habang niyuyugyog ang balikat ko.

Hinuli ko ang mga braso niya't inilayo  dahil nahihilo lang ako sa ginagawa niya."Hindi lang ako makatulog mom." Naiinis na sa sabi ko. "Sorry po. Matulog na po kayo uli." Paumanhin ko nang mapansing mukhang kagagaling lang niya sa malalim na pagtulog.

"Sigurado ka?"

I smiled a fake one. "Opo."

"Okay, pilitin mong matulog ulit. I don't want your pretty face to be ugly." She kissed my forehead before she left.

I sighed. My mother was such a sweet mother. Kailan ba niya ako pinagalitan? Kahit siguro pagtaasan ng boses ay hindi ko naranasan. Even my dad. They spoiled me kaya ang resulta, lumaki akong sakit sa ulo.

Dahil hindi na talaga ako makatulog ay inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng komiks ngunit imbis na matawa, mas lalo lang akong nainis dahil hindi ko maintindihan ang binabasa ko.

Alam mo yung pakiramdam na gusto pang matulog ng mata mo pero ang diwa mo ay gising na gising? Nakaka-highblood sa totoo lang.

Inis kong ginulo-gulo ang buhok ko at isinubsob ang mukha sa unan para matulog ulit ngunit wala talaga. Hanggang sa abutan ako ng alas syete ay gising na gising pa rin ako.

Nagdadabog akong bumangon at tamad na pumasok ng banyo saka mabagal na naligo. Sinusumpa kita Garreth! Mamatay ka na sana!

Matapos kong maligo at makapag-ayos, lumabas na ako suot ang pesteng Uniform na puti ang polo sa ilalim at blue ang coat at palda na hanggang gitnang hita lamang. Nakakairita! Bakit ba usong-uso ang bwiset na uniform na ito! Mamatay na sana ang nag-imbento nito! Mamatay ka na sana! Ay mali matagal na pala iyong patay. Napakamot ako sa ulo ko. Namatay na nga ba?

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now