Kabanata 6

34.4K 1.1K 81
                                    

Hininto ni Zeke yung sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya ang nagdala ng bag ko. Bakit bigla siyang naging gentleman?

Binigay niya ang susi ng sports car sa isang lalaking nakasuit at nakashades pa. Ang dilim dilim eh.

Sinamahan niya ako sa living room nung mansyon. Modern ang style nung bahay at napakadanda nung mgadecorations.

" You!" Tawag niya sa isang guwardiyang nagbabantay sa pinto.

" Yes? Maître?" master??!

" Get the head maid servant" nagbow ito sa harap namin bago umalis. Maya maya ay may dumating na isang matandang babae na nakasuot ng kulay black na uniform.

" Goodevening Zeke" ngumiti naman yung katabi ko. Totoong ngiti, hindi ngisi.

" Goodevening manang." Lumapit siya sa amin at humalik si Zeke sa pisngi nito. Tumingin sa akin ang matanda.

" Sino naman itong magandang babaeng kasama mo iho?" Hinawakan nung matanda yung kamay ko.

" Bago pong maid ni Kei" magalang na sabi nito. Hinawakan ako sa pisngi ni nanay.

" Tawagin mo nalang akong Manang Vilma. Pero kapag may mga bisita ay dapat tawagin akong Head servant" tumango ako dito.

" Anong pangalan mo?" Tanong nito. Ngumiti ako dito at nagmano.

" Nassandra po." Ngumiti siya pabalik tsaka humarap kay Zeke.

" Ako na ang bahala sa kanya, nasa mabuting kamay siya." Ngumiti ulit si Zeke at yumakap sa matanda.

" Alam ko po" Humiwalay siya at lumapit sa akin.

" Remember the rules I gave you, babe" inirapan ko siya nung tumawa siya.

" Ito lang ba ang gamit mo?" Napaharap ako kay manang nang kinuha niya ang isang bag ko. Kinuha ko ito mula sa kanya.

" Ako na po dyaan. At opo, iyan lang ang gamit ko." Ngumiti ulit siya at sumenyas na sumunod ako sa kanya.

" Ano ang mga sinabi sayo ni Zeke?" Napaisip ako.

" Uhmm, huwag pong makikialam kapag nandoon sila sa kahit aong gagawin nila tsaka dapat daw po magalang ako." Tumango siya.

" Dapat mong gawin iyon. May ibibigay ako sa iyong gawain araw araw. Mga schedules. Lagi iyong magiiba araw araw. Marunong ka namang magluto at maglinis diba?" Hinabol ko si manang dahil masyado na siyang nauuna sa akin.

" Opo" dinala niya ako sa kitchen. Tapos ay humarap sa akin.

" Good. Lima lang tayong maid servant dito sa bahay. Dapat lahat gumagalaw." Sa kusina ay may dalawang babae at isang lalaki, lahat sila ay may ginagawa.

Yung lalaki at babaeng may kulay pulang buhok ay nagluluto habang yung isa ay naglilinis. Tinawag ni manang ang pansin nila. Tumigil sila at humarap sa akin.

" Siya ang bagong maid dito sa mansyon." Kumaway yung lalaki.

" Hi! Nathan Fernandez" kumaway ako pabalik.

" Ema Garcia" sabi nung may pulang buhok. Lumapit sa akin yung isang babae. Mas maliit siya sa akin at nakayuko talaga ako. Well, 5'6 naman kasi ang height ko.

" Ang tangkad mo naman" ngumuso siya.

" Ako nga pala si Jane Dela Cruz" ngumiti ako sa kanilang lahat.

" I'm Nassandra Pat Del Luna" nagulat naman ako nung gumawa ng ingay si Jane.

" Ha! Ang ganda nung apelyido mo! Pwede ba kitang tawaging Pat?" Magalang akong umiling.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon