Kabanata 41

22.4K 803 67
                                    

Nakakarinig ako ng mga sigawan, takbuhan at pagkabasag ng mga salamin habang patuloy paring nagpapaputok yung nasa labas.

Naramdaman kong may humawak sa pisngi ko kaya napatingin ako kay Keian, nanlalaki ang mata.

Nakita ko ang pag-aalala sa lanyang ekspresyon.

" Are you okay? Are you hurt? Nass?" nanginginig akong umiling dito at sinubukang tumayo para tignan yung lalaking nagpapaputok pa rin.

" No."

" Pero madaming tao sa labas ang sugatan. Tulungan natin sila Keian" hinawakan ko ang kamay nito.

Hindi maipagkakaila na natatakot ako.

Natatakot hindi para sa sarili ko, kundi natatakot na mas madami pang ang mapatay nung lalaki.

Tumango sa akin si Keian as reassurance.

" I know Nass, I know" pumwesto naman ito sa likod ng machine tsaka sinilip yung lalaki. At syempre sumilip din ako sa may kabila.

Halos wala ng tao sa labas ng game station. It's either nagtatago na yung iba o di kaya ay nakahilata na sila. Hinihiling ko lang sana na hindi nga ganoon yung pangalawang scenario na naisip ko.

Lumibot ang paningin nung lalaki at mabuti nalang na nakatago agad kami ni Keian bago pa kami makita.

" Sh8t. The guards are already dead" mas nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Tumingin si Keian sa relo at may pinindot-pindot dito. Nagsuot siya ng earpiece sa tenga at mukhang sinusubukang icontact yung mga nasa mansion.

" Alpha au siège ( Alpha to headquarters)" base sa itsura ni Keian, may nagsasalita sa may earpiece.

" Damn. Ayoko pang mamatay. Huhuhu" napatingin ako sa katabi naming machine kung saan ko nakita yung lalaking nakalaban namin sa shooting game kanina.

Tinignan ko naman yung kalagayan niya.

" Ayos ka lang?" kahit naman inis ako dito dahil napakayabang nito ay hindi ko naman hihilingin na masaktan siya.

Gulat na tumingin sa akin ang lalaki at yakap yakap ang backbag niya.

" O-okay lang" utal nitong sagot. Bahagya akong ngumiti dito tsaka binalik ang atensyon kay Keian.

" Bring the 3rd commando in our position. I'll send you the coordinates" sabi nito sa kausap sa earpiece.

Bumuntong hininga siya tsaka tumingin sa akin.

" I'll go out there and you will stay here. Understood?" seryoso nitong sabi. Malamig na din ang ekspresyon niya, ibang iba sa kanina.

" Pero---"

" Stay. Nassandra" madiin nitong utos. Napatungo nalang ako.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa pisngi ko bago tumayo habang hawak yung baril niya.

Pinanood ko siyang lumabas sa game station at nagpakita sa lalaking pumapatay sa labas.

Kinakabahan ko silang tinignan. Hindi naman masasaktan si Keian diba? I mean, hindi siya magiging boss kung hindi siya magaling right?

Nang magpakita si Keian ay napangiti ang lalaki at tila talagang ineexpect nito ang pagpapakita ni Keian.

Bakit???

Nagusap sila pero hindi ko marinig yung boses nila kasi malayo layo yung kinaroroonan nila.

" Baliw ba yung jowa mo? Bakit siya lumabas? Hindi ba niya alam na mamamatay siya kapag nagpakita. Naku bahala nga kayo basta ako ayaw kong mamatay.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon