Kabanata 46

22K 868 92
                                    

Hi!!! Dedicate ko lang yung chapter na ito sa kay @ArabyaSharma dahil sa votes niya sa bawat isang chapter nitong story. Yieeee. Thank you po!!! Hahahahaha. Ngayon lang ako nakapagdedicate, sa laptop lang yata pwede gawin yun:)))

Nassandra's POV

Akala ko kung itutulog ko yung nararamdaman ko ay parang bula na siyang mawawala.

Pero hindi.

Pagkadilat ng mata ko ay akala ko wala na ang mga ala-ala pero bigla akong nakaramdam ng lungkot, takot, at galit...

Hindi ko alam, lumuluha na pala ako.

It seems like nasa kwarto pa rin ako ni Zeke.

Tumingin ako sa paligid para hanapin siya pero iba ang nakita ko.

Napakagat ako ng labi para hindi lumabas ang hikbi galing sa pag-iyak ko at nang hindi ko magising ang isang natutulog na Keian sa may couch ng kwarto.

*singhot*

Nahirapan naman akong huminga kaya napabuka ako ng bibig kaya eto. Ang lakas kong humikbi.

" Hmmm?" Bigla naman akong nainis sa sarili ko nang magising si Kei.

Ano ba iyan naman kasi Nassandra eh...

Pagod ang matang tumingin siya sa akin tsaka mabilis na napatayo nang mapansin yung basang basa kong mukha.

Lalapit sana siya, but he stopped midway then stepped backwards.

Napatungo ito at kinuyom ang kamao.

" I-I'm sorry" his voice breaks at parang maiiyak pa yata.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mukha ko gamit yung damit ko habang nakatitig lang sa kanya.

Naalala ko naman yung nangyari sa may gym...

" It's not my intention to apply as a maid in this house. Kailangan ko lang kasi talaga ng pera dahil naospital si Brylle." Simula ko. Napaangat naman ang tingin niya sa akin.

" At dahil maid ako dito, syempre kailangan kong magstay sa bahay na ito. Siguradong makikita mo talaga ako pagkabalik mo galing France." his expression softened.

" Hindi ko ginustong mainvolve sa mafia niyo"

" Naglilinis ako ng sahig kaya mo ako nakita sa labas ng kwarto mo. At lalong hindi ko intensyong saktan si manang. I was from the maid's quarters nang makita ko siya" kumunot ang noo ni Keian.

" I didn't even know na may headquarters dito bago dalhin si manang doon"

" Then WHY?!" bahagyang lumakas ang boses nito kaya napabuntong hininga nalang ako.

Babalik na naman ba tayo sa tanong na 'bakit?'

" Bakit nung una kitang makita may iba akong naramdaman. I felt that you will be the 'someone' who will give me hope. The one who will help me" this time, ako naman ang napakunot ng noo.

" Why is that when you saved manang I felt like I could trust you. That I could believe in you" bumuka ang bibig ko sa sinabi niya.

" Why do I have to fall for you and be an idiot who hurt the one that he loves" mas humigpit ang kuyom ng kamao niya. Habang ako ay natigilan.

" Keian..."

" Do you regret it?" malungkot ang mata niyang tinitigan ako.

" Do you regret that you're a maid in this f---ing mansion? Do you regret being a maid for me? My maid"

Tumungo ako at napakagat ng labi.

" I don't belong to anyone, Keian" mahina kong sambit pero sapat na para marinig niya.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon