Kabanata 31

26.5K 881 148
                                    

" Erick and Devon are having trouble with Buenavista's mafia. They're caught!" Napatayo si Kei sa sinabi ni Zeke. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyari?!

" What's their condition?" Malamig ang ekspresyon ni Kei pero halata na nagaalala siya para sa dalawa.

" I don't know exactly pero nagsend sila ng message sa radio ko sa kotse. They need backup" napaisip sandali si Keian bago tumango kay Zeke.

" Let's go. We'll talk about our plan in the car" naglakad si Kei palabas at dinaanan lang ako. Hello?

" Kei? Paano si Nassandra?" Nagulat silang dalawa sa sinabi ni Steven at napatingin sa akin.

" Uhhmm. Uuwi nalang ako sa mansyon magisa" kumunot ang noo ni Keian at lumapit sa akin.

" No, it's not safe" humarap siya kay Zeke.

" Text Theo. Tell him to drive Nassandra home" bumaba ang tingin ni Zeke sa phone niya at mabilis na nagtype. Mabilis na may nagnotif agad sa phone niya.

" Magi-start raw yung gig niya sa isang club in 45 minutes. Importante raw yung gig, hindi siya pwedeng umalis" huminga nang malalim si Keian.

" Give me the phone" inabot ni Zeke ang phone kay Kei. Napakabilis nitong nagtype at sunod sunod ang tunog kapag nagn-notifications.

Nang matapos siya ay binalik niya ang phone kay Zeke tsaka tumingin sa akin.

" Isasama ka ni Theo papunta sa gig niya. You wait there until we show up" tumango nalang ako kasi baka makasagabal pa ako dun sa pupuntahan nila.

" Yes maître" nakatungo kong sabi. Ewan ko pero kinakabahan ako. Kinakabahang may mangyaring masama sa kanila.

" Nass" naramdaman kong hinawakan ni Keian ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Just stay here in the office, hanggang dumating si Theo. We'll meet in the club" huminga ako nang malalim para pakalmahin yung puso ko.

" Okay" Tinitigan niya muna ang mata ko nang matagal bago tumalikod sa akin.

Nagsmile si Zeke as reassurance at pinalo naman ako sa likod ni Steven.

" Guys" sa huling pagkakataon ay lumingon sila.

" Don't die" medyo naiiyak na sabi ko. Ang childish ko talaga ngayong araw. Oo! Alam kong ang OA ko. Wahhhh!

Nagkatinginan sila bago tumawa.

" We'll try" sabi ni Zeke bago sila umalis. We'll try?! So hindi sila sigurado??!!! Hayssst!

Naisipan kong umupo sa upuan ni Keian sa likod nung desk niya at doon nagisip isip. Kasama na din yung prayer ko kay God na sana huwag silang matapilok o madapa ganon.

Medyo mag-gagabi na at mula sa kinauupuan ko ay kitang kita yung paglubog ng araw.

* Tok tok* napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito.

" Nassandra?" Rinig ko ang mahinang boses ni Theo kaya tumayo ako dala ang bag ko.

Pumunta ako sa pinto at pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang nakatungong ulo ni Theo. Natural ba yung green hair niya na iyon?! Ang ganda kaya!

Nahihiya siyang ngumiti sa akin at napahawak sa batok.

" K-keiranz texted me" ngumiti ako dito at tumango.

" Pupuntahan daw nila sila Erick at Devon" tumango siya... tsaka nagkaroon ng awkward na katahimikan.

" Uhmm?"

" Ah hehehe. Tara na?" Tumango nalang ulit ako sa kanya at nagsimulang maglakad.

Pinagtitinginan kami nung mga empleyado dito sa building pero hindi ko nalang sila pinansin kasi nasa malalim akong pagiisip.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon