Kabanata 35

23.8K 863 82
                                    

Pinanood ko sandali yung mga tao sa pool bago napagdesisyonang umahon sa pool.

Tumulo ang tubig sa lupa nang umakyat ako sa hagdan nung pool. Hinawi ko ang buhok kong nakatakip sa mukha ko at tinignan yung olympic pool.

" *whistle*" narinig kong sumipol si Dale. Tumingin ako sa kanya na nakangisi.

" Damn sexy, Nassandra" tinaas ko ang kilay ko kay Zeke. Nakatingin din silang lahat sa akin. Okay...

Inirapan ko si Zeke bago magsalita.

" Magswimming lang ako dun sa mas malalim na pool. Please take care of Brylle" sabi ko sa kanila, tumango naman si Devon bilang sagot.

Naglakad ako papunta sa kabilang pool at napansin ko na nakatingin sa akin ng masama si Laiza. Umirap siya pagdaan ko sa harap nung inuupuan niya na kinibit balikat ko nalang.

Nakangiti akong lumusong sa olympic size pool nila tsaka nagpalutang.

I've always like swimming. Lalo na kapag mag-isa lang ako. It gives me time to think na parang walang ibang tao sa paligid. Madalas ko yung ginawa nung nasa dati pa akong bahay namin.

Napabuntong hininga ako tsaka nagfreestyle patawid sa kabilang side ng pool.

I didn't expect na makakasam namin ni Brylle yunh mga malapit na kaibigan ni Keian. Ni hindi ko nga ganoong kakilala yung iba. I mean, hindi ko sila kilalang lahat. I just know their names and personalities pero alam ko, na lahat sila may tinatago. Lahat sila, may nakabaon sa mga puso nila kung bakit nga ba kasama sa mafia. To be honest, wala din akong alam sa mafia nila. Ano yung ginagawa nila doon? Are they doing illegal things? Ginagawa din ba nila yung ginawa niya?

Nang makabalik ako sa may hagdan nung pool kung saan ako nanggaling bago lumangoy, nakita ko si Steven na hinihintay akong makabalik. Nakalusong siya at nakaupo sa pang-unang step ng hagdan. Malapad ang ngiti nito.

" You're pretty good at swimming" sabi niya na parang kumikislap pa ang mata.

" Yeah. Uhmm, nagsummer class din kasi ako dati" tumango siya tsaka nagkaroon ng katahimikan. Although, sa malayo ay maririnig ang ingay sa kabilang pool.

" Maxence and Clara are grilling" napatingin ako kay Steven at ngumiti.

" Uhh. I just want to tell you" medyo awkward na sabi nito. Natawa ako at umupo malapit sa kanya sa hagdan din.

" Why are you here, Steven?" Natigilan siya at napakamot sa batok.

" Obvious ba ako?"

" Medj lang naman. Now, spill it" ngumiti ito at napatungo.

" Well I have questions, lots of questions. Tsaka baka balak mong magpakalunod ulit" napaisip ako sa sinabi niya. Hindi din maipagkakaila na bumilis ang tibok ng puso ko. Dito nga pala ako tumalon nung nakalabas ako sa kwartong pinagkulungan nila sa akin.

" I can answer, huwag lang masyadong personal tsaka, hindi na ako magpapakalunod. It will be depressing for Brylle." napahawak ito sa baba na animo'y nag-iisip ng itatanong. He's eager to find answers...

" Okay, first. Paano mo naging anak si Brylle? Uhmm, nakita mo ba siya sa ampunan?" Tinignan ko ang mata niya na punong puno ng kyuryosidad.

" I found him on the street while I'm finding for a place to stay" kumunot ang noo niya.

" Ibig mong sabihin, nag-iisa lang siya nang makita mo? Sa lansangan?!" Gulat na tanong nito. Tumango ako at inalala yung oras na nakita ko si Brylle.

" The neighborhood's been taking care of him pero ayaw niyang sumama sa ibang pamilya. So he just stayed in his box" mas nanlaki ang mata niya.

" In a box?! Teka lang. Ilang taon siya nang makita mo?"

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now