Kabanata 33

23.8K 805 112
                                    

" So, what do you want to ask?"

" Uhmmmm, ano uhm..." tinitigan niya lang ang mata ko, hinihintay na magsalita ako. Huminga naman ako nang malalim.

" Pwedeng magday off ulit bukas? May importante lang akong dapat gawin" pagkasabi ko noon ay mabilis na kumunot ang noo niya.

" What is it?" Natigilan ako sa tanong niya. Di pa ako ready na sabihin yung tungkol kay Brylle. Baka isipin niya na may boyfriend ako or asawa. Nagisip ako ng palusot.

" Ano, ah-- birthday kasi nung Tiya ko. Siya na yung nagalaga sa akin simula nung..." napayuko ako at napakuyom ng kamao nang maalala ko ang pamilya ko.

His gaze softened as he lifted my chin.

" But Nassandra, ang dami mo nang day off this month. The other maids may think it's unfair. You know you are still working here" napayuko ako sa sinabi niya. Alam ko naman iyon. Nagbakasakali lang.

" Why don't you just bring her here? I'll ask Felix to pick her up. Pwede ko siyang ipaghanda" nanlaki naman ang mata ko.

" Ha? No! Huwag mo siyang ipaghanda, it's not necessary" tinaasan niya ako ng kilay habang nilalaro yung buhok ko.

" Okay, but you can't leave" he sternly said at napaisip ako. Balak ko siyang ilibot dito. Maganda naman sa property ni Keian eh. Para na ngang nasa ibang bansa. And maybe pwede kami magswimming sa pool nila.

" Pero pwede ko siyang dalhin dito?" wala naman sigurong mangyayaring masama kung dalhin ko si Brylle dito, well except for the fact that he will be surrounded by mafia men. Pero I'm sure naman na wala silang gagawin sa anak ko.

" Hmm, of course" kinuha niya ang phone niya tsaka hinarap sa akin.

" Shall I call Felix?" nakangiti akong umiling dito at tumayo paalis sa kandungan niya.

" Sabihan ko nalang si Zeke. Kilala niya naman na iyon eh" tumalikod ako sa kanya at nagsimula nang maglakad papunta sa pinto pero bigla akong binuhat ni Keian at nilapag sa kama.

" Huy! Matutulog na ako" reklamo ko dito. Nanlaki ang mata ko nang maghubad siya ng t-shirt.

" O-oi! Anong gagawin mo?" ngumisi siya sa akin tsaka ako tinulak pahiga ng kama. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso. Jusmeyo, baka magkasala ako. Ang pogi nung kasama ko ngayon. Ang bango pa.

" Relax, I'm not going to do that thing to you" napalabas ako ng hangin nang marinig kong sinabi niya iyon.

" Yet" teka, ano sinabi niya?

" W-wait, ano--- wahhh!" bigla ba namang dumagan sa akin pero hindi naman yung mapipipi na ako. Niyakap niya yung sa bandang waist ko tsaka nakangiting pumikit sa taas ko.

" Let's sleep" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

" Yeah, matutulog na ako. Sa maid's quarters" madiin ang pagkakasabi ko pero walang palag sa kanya. Sinubukan ko siyang itulak pero ni hindi ko siya magalaw. Waw ha, ang lakas naman niya.

" Stop sleeping there. Dito ka nalang lagi matulog. Sa tabi ko" mas namula ako sa sinabi niya. Anoba! Baka gusto niyang dito talaga ako matulog habang buhay, joke. Okay back to being serious.

" Isa" dinilat niya ang isa niyang mata at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

" Ano ako? Bata?" hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

" Keian naman kasi!" hindi niya ako pinansin at nanahimik lang. Aba!

Wala na akong nagawa at yumakap nalang din pabalik sa kanya. Infairness, komportableng yumakap sa kanya ah.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon