Kabanata 22

27K 995 50
                                    

Nang matanggap ni Keiranz yung tawag ni Zeke ay agad siyang tumakbo papunta sa headquarters. May pagmamadali sa boses ni Nic nung tinawagan siya nito kaya alam niyang may mali.

Nagtaka naman yung mga tauhan niya kung bakit siya tumatakbo pero wala na siyang pake sa kanila.

Nagaalala siya na baka may nangyaring masama kay manang o mas malala pa.

Nasalubong niya sina Erick at Maxence kaya napatigil siya sa pagtakbo.

" Kei, ano meron?" Seryosong tanong ni Erick. Umiling nalang si Keiranz at pumunta sa gilid ng nakaharang na dalawa para pumunta sa kwarto ni manang.

Nagkatinginan ang dalawa at napagpasyahang sundan kung saan pupunta yung boss nila.

Wala pa sa loob si Keiranz ay nakarinig siya ng sigaw ng lalaki.

Nanlaki yung mata niya, umaasang hindi kay Zeke yung sigaw na iyon.

Pumasok siya sa kwarto at bumungad sa kanya ang may dugong pader at magulong gamit.

Katulad ni Zeke ay ang kama ni manang ang unang niyang nilingon. Mahimbing na nakapikit si manang pwera lang sa babaeng nakadamba sa katabing pwesto nito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Keiranz.

" Nassandra?" Nanghihina niyang sabi.

" Who are you?" Napatingin siya sa gilid at nakita na may hawak hawak si Zeke na lalaki. Nanlilisik ang mata nito at halata na siya ang bumali sa isa pang braso nito dahil mahigpit padin ang pagkakahawak niya sa lalaki.

Napakuyom ng palad si Keiranz at dumilim ang mukha.

" Nic" napatingin sa kanya si Zeke at kahit siya ay natakot sa mukha ni Kei. Kahit na hindi siya ang dahilan noon.

" Ganitong eksena ang nadatnan ko pagdating dito. It looks like Nassandra stopped this man from doing a crime" nanlaki ang mata ni Zeke at narealize na wala pa nga palang malay si Nassandra.

Tumayo siya para puntahan ang babae pero nandoon na si Keiranz na may napakadilim na ekspresyon.

Hinawakan nito ang pisngi Nassandra. Namumuti na ang kulay nito dahil sa kakulangan sa dugo.

" What the----" pumasok sa loob ang dalawa at hindi naiwasang mapamura ni Maxence.

Nanlilisik ang matang tumingin si Kei sa tatlo niyang kasama.

" Erick, bring the bastard to the room. Nic and Maxence, I want you to know every single detail about that man" utos nito.

Tumayo ang tatlo nang maayos.

" Yes, Alpha" binuhat ni Kei si Nassandra at naglakad palabas ng kwarto.

" Pakisabi sa mga guards na ilipat ng kwarto si manang at linisin na din itong kwarto" tumingin si Kei kay Zeke.

" Pakisabi sa CO na pumalit pansamantala kay Felix na ipatawag yung lahat ng guards sa field. I want them to be there by 5:00 pm sharp" madiin nitong sabi. Tumango si Zeke as reassurance.

" Take care of Nassandra" malamig na ekspresyon ang dala ni Kei nang lumabas siya sa kwarto.

" I will" dala niya ito papunta sa surgery room ng infirmary.

Kailangan niyang mapatigil ang pagdudugo.

Dahil mayroon namang siyang alam sa medicine, siya na ang nagbenda sa ulo nito.

Nilinis niya din ang ibang sugat nito sa katawan dahil sa latigo.

Bawat sugat na makikita ni Keiranz sa katawan ni Nassandra ay unti unti lumalaki ang kagustuhan niyang mapatay kung sino man ang nasa likod ng pangyayari.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon