Kabanata 15

29.6K 1K 289
                                    

" Meet me in my study at 9 pm sharp" malamig na sabi ni Andrew. Napatingin ako sa kanya at bahagyang nagulat.

Nagliligpit na ako ng mga pinagkainan nila at wala na sila dito sa dining room, I think pumunta sila sa pool.

Tumayo siya na siyang nagiisang natira dito. Yumuko ako dito.

" Yes, maître" dinala ko na yung mga plato sa lababo.

Napatingin ako sa orasan. 8:15. Napabuntong hininga ako at tinignan ang napakadaming hugasin.

Nagsimula na akong maghugas ng plato para na rin natapos kaagad.

" Nassandra, kami na dyan" napatingin ako kay Jane na kalalabas lang ng maid's quarters. Nginitian ko ito.

" Okay lang, magpahinga nalang kayo" umiling siya at lumapit sa akin tsaka kinuha ang plato na hinuhugasan ko.

" Halos ikaw na gumawa ng lahat para sa hapunan. Kumain ka nalang" wala na akong nagawa dahil tinulak niya ako palayo ng lababo.

Kumuha nalang ako ng serving nung niluto ko at kumain. Iniisip kung ano yung sasabihin sa akin ni Andrew para papuntahin ako sa study room niya???

-------------------

Nasa tapat ako ng kulay dark brown na pinto. Hindi ako mapakali sa kung ano man yung sasabihin niya. Tungkol ba sa napagusapan nila kanina? Huminga ako nang malalim bago kumatok nang tatlong boses sa pinto.

" Come in" natigilan ako saglit sa malalim na boses pero pinihit ko parin yung doorkob.

Sumalubong sa akin ang mga bookshelf sa pader ng kwarto, sa gitna nito ay may maluwang na space na ang nasa gitnang bahagi pero nasa bandang likod ay isang desk.

Nakaupo si Andrew sa upuan na nasa likod nung desk. Nakatingin siya sa mga papel na nasa harap niya at nagsusulat nang kung ano.
Ngayon ko lang din siya nakitang nakasalamin.

" Maître?" Magalang kong sabi at yumuko. Tinignan niya ako sandali.

"You will be my maid starting tomorrow. Be at my room at 6:00 am sharp" natahimik ako dahil baka may isunod po siya.

" Understood?"

" O-opo" tumayo lang ako doon, naghihintay. Tinaas niya yung tingin niya sa akin.

" What are you still standing there?" Bahagya akong natigilan sa sinabi niya.

" May iba pa po ba kayong gustong sabihin?" Tanong ko. Bumalik siya sa pagsusulat.

" No." Makiling sabi nito. Yumuko nalang ulit ako tsaka lumabas na.

Pagkasara ko ng pinto ay napairap ako.

" Suplado. Yun lang naman pala sasabihin niya, akala ko naman kung ano" umiling nalang ako at pumunta na sa maid's quarters.

" Bakit kayo nasa labas?" Tanong ko kila Ema na nasa labas ng kwarto. Napatingin sila sa akin may kinakabahang mukha.

" U-uhhmm. Nassandra, nasa loob kasi si Maître Zeke" napayuko si Nathan. Tumaas ang kilay ko at pumasok sa loob.

Nakita ko na naglilibot ang tingin ni Zeke sa buong kwarto.

" What are you doing here?" Napalingon siya sa akin at napatayo.

" Nassandra" saad nito. Lumapit ako sa kanya.

" Oras na nang pagpapahinga namin. May kailangan ka ba?" Napayuko siya.

" Uhmm" nahihiya niyang binigay sa akin yung isang candy. Nagtaka naman ako.

" Anong gagawin ko dito" napakamot siya sa batok niya.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon