Kabanata 40

26.1K 827 109
                                    

" Goodmorning Sir Andrew" nagulat ako nang binati ni kuyang guard ng mall si Keian pagkadaan namin dito.

Tumango si Keian sa kanya at tsaka ibinigay ang isang baril. Teka?! Bakit siya may dalang baril.

Si kuyang guard naman ay kinuha yung baril at tsaka chineck, pagkatapos ay binalik kay Keian na siya namang nilagay sa may lagayan nito sa hips niya.

Tinaasan ko ito ng kilay dahil papaanong kilala siya nung guard at pinayagan itong magdala ng baril.

" This mall is ours" sagot nito na tila alam na ang gusto kong itanong.

" Ah... oka---- Sa inyo itong mall?!" Muntik na akong mapasigaw buti nalang narealize kong nasa loob nga pala kami at madaming tao.

Ilang beses na akong pumupunta sa mall na ito kung alam ko lang na si Keian ang may-ari nito edi sana sinama ko na siya dito kapag pumupunta kami ni Brylle o di kaya ay ni Tiya. Haisttt...

" Yes. If you noticed the mall's name. It's M&T Malls that stands for my parents surnames" saad nito.

" Eh paano yung mga sensor sa mga shops? Di ba sila mababahala doon?" bumaba ang tingin niya sa akin.

" Marques Manufacturing is mostly focused on selling metals and such but we also manufacture automotives, electronics and advanced technology devices" pag-eexplain nito. Napabuka naman ako ng bibig. Ganoon kadami ang ginagawa nila sa kumpanya??? Kaya siguro napakayaman nito!

" May nano-chip sa baril at iyon ang chineck nung guard kanina. It keeps it undetected under sensors" dugtong pa niya.

" Paano kung may makakuha ng ganoong chip rin? Tapos pumasok sa mall tapos may masama naman palang gustong gawin?" tanong ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

" Secured lahat ng mga invention ng company at imposibleng may makakuha nang hindi namin nalalaman. Also, it has a fingerprint scanner of the authorized personnel that has the permission to use the chip. Kapag hindi nagmatch, hindi gagana. Sinusuri din nito yung mismong galaw nung may-ari at kung biglang nag-iba yung nadetect nung chip, it will also not work. Only my 9 commanders, which is sila Nic, have this chip. Only 9 of them are the autorized person who can use the chip, tsaka ako."

" Don't worry, all sensors that are used in this country is manufactured by our company" casual nitong paliwanag.

May malaking kompanya, may mall sa iba't ibang bahagi ng bansa at may Mafia pa?!

Napangiwi nalang ako at tumango tsaka kami nagsimulang maglakad.

" Where do you want to go first?"

Bago kami pumunta dito sa mall, dinala muna namin si Brylle sa clinic nung doctor niya. Si Tiya na ang susundo dito mamaya kaya hanggang gabi kam dito sa mall... I guess?

" Bahala ka. Ikaw nag-aya kaninang umaga eh" sabi ko dito.

Tinaasan niya ako ng kilay at tumigil para humarap sa akin.

" We'll go wherever you want to go" saad nito at parang inuutusan pa ako.

Kunot ang noo kong nakipagtitigan sa kanya. Malamig naman ang mata niyang nakipagtitigan sa akin pabalik.

.
.
.

" Argh!" Napangisi siya nang humiwalay ako sa pagkakatitig. Na-aano ako sa itsura niya eh. Na-aano. Basta!

Bakit kasi may pag ka-greek god yung itsura niya? Porket hap-hap siya? It's unfair!

" Where do you want to go?" tanong nito. Tinignan ko siya nang masama bago ilibot ang paningin sa buong mall at nag-isip kung saan kami unang pupunta.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon