Kabanata 20

28.4K 947 137
                                    

" Ow Ma'am!" Napadaing si kuyang guard na chincheck ko yung injury. Pang walo siya dun sa nasugatan kanina sa training nila.

" Ay sorry po!" Napatingin ako kay kuya na nakangiti kahit na nakahiga na siya at halatang nasasaktan.

" Pre! Huwag ka namang magpakaduwag sa harap ng isang binibini. Nakakahiya ka!" Nakangiti akong napatingin sa isang guard na nasa loob ng infirmary. Mukhang close talaga silang lahat.

" Hoy! Ikaw nga may pinakamalakas na sigaw sa atin tuwing ginagamot!" Sabi pabalik nung ginagamot ko. Nagtawanan naman yung lahat ng nasa loob.

" Ohhh! Wala ka pala!" Umingay ang loob at nakitawa nalang ako sa kanila.

Mas gentle yung ginawa kong paghawak sa kanya at tinapalan yung sugat niya tsaka nilagyan ng benda yung kamay niya na nainjury.

" Ikaw ba ma'am ang girlfriend ni Sir Andrew?" Nakangiting tanong nito. Ngumiti ako pabalik at umiling.

" Hindi po. Maid lang po ako sa mansyon"

" Ganon ba? Pero bakit parang ang close mo sa apat na maître" nagkibit balikat nalang ako. Tumingin ako sa paligid at nakita ang mga nakangiting mukha ng lahat kahit na kakagaling lang sa training.

" May tanong po ako" lumingon siya sa akin.

" Ano yun ma'am?"

" Anong klase pong boss yung mga maître?" Tanong ko dito at napansin napatahimik silang lahat. Nagalala naman ako kasi baka may kung anong meron sa sinabi ko.

Maya maya ay napangiti sila. Ano meron?

" Nung una, akala namin sila talaga yung mga walang pusong klase ng tao. Kasi ang nakita lang namin sa kanila ay ang paraan nila ng pagpatay. Pero ginagawa lang nila iyon sa mga taong may nagawa talagang mali, kahit sa inosenteng tao, tumutulong sila. Para silang pulis. Nung sumama kami sa mafia nila, bawat training ay tinuturuan nila kami. Lagi kaming may pagkain, may tirahan pa tsaka itong infirmary na ito. Oo, strikto sila pero kapag nagalit sila, alam naming may kasalanan talaga kami. It is part of our training" nakatingin si kuya sa malayo at may inaalala.

" Utang namin ang buhay namin sa kanila Miss" napatingin ako sa isa pang guard na nandon din sa infirmary.

" Kadalasan sa amin ay nailigtas nila. Ang iba naman ay binigyan nila ng trabaho para maiangat ang pamilya" nilibot ko ang paligid nang umingay ang buong kwarto at nagusap usap sila tungkol kila Kei.

Talaga bang ganoon sila? Base sa pagkakakwento nung mga guards, talagang mabait sina Kei at mga kasamahan niya.

" Wow, thanks for the compliment" napatingin ang lahat ng tao sa pinto kung saan namin narinig yung nagsalita, si Steven. At nakatayo silang apat sa pintuan.

Tumayo ng maayos yung mga hindi injured na lalaki at yung iba ay umupo sa bed.

" Maître" sabay sabay nilang sabi at kinilabutan pa ako sa lakas nito.

Di ko na napigilang gumalaw yung mga injured. Nakita ko nalang ang pagngiwi nila.

Lumapit sa akin yung apat at nalipat sa akin yung tingin nilang lahat.

" Nassandra!" Masiglang sabi ni Steven na para bang matagal kaming hindi nagkita.

Kumunot ang noo naming dalawa ni Devon.

" Hoy! Kakakita niyo lang kanina ah!" Saad nito. Bumelat naman si Steven sa kanya.

" Ano bang pake mo?" Inirapan ni Devon si Steven na ngiting ngiti.

" Nassandra, how are the injured?" Tanong ni Kei at nilibot ang tingin sa loob. Bumuntong hininga ako.

" Ayos na sila. Hindi naman ganoong kalala yung natamo nila kaya I think, pwede na silang lumabas dito sa Infirmary after few days" tumango ito at mabilis na hinila ang kamay ko.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon