Kabanata 10

31.5K 999 161
                                    

Pumasok si Tiya sa kwarto at nagulat sa nakayakap na Brylle kay Zeke.

" Napatigil niyo siya sa pagiyak" saad nito. Tumingin ako kay Zeke at Tiya bago tumakbo palabas ng bahay.

" Nassandra!" Rinig kong sigaw ni Zeke.

Naglakad ako sa kalsada nang umiiyak. Ayaw mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Ituturing parin ba akong nanay ni Brylle? Mapapatawad niya ba ako? Makakasama ko pa ba siya?

Ilan lang yan sa mga tanong na umiikot sa aking isip. Hindi ko mapigilang magoverthink ng mga possibilities tungkol kay Brylle.

Hindi ko din mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Brylle.

Tumigil ako sa paglalakad nang may nakita akong bench. Umupo ako dito at natulala.

Matagal akong nagisip isip. Paulit ulit ang pumapasok sa isip ko.

Matapos ang matagal na oras ay napagdesisyonan kong umuwi. Malamig na din kasi dito sa labas. Nag gabi na din.

Nang nasa pinto ako ng bahay ni Tiya ay narinig ko ang boses ni Zeke.

" Brylle?" Nagtago ako sa pader at nakinig lang.

" Papa?" Sleepy na sabi nito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Zeke.

" Look, I'm not your real papa okay?"

" Tito Zeke?" Dismayadong sabi nito. Napahawak ako sa dibdib ko.

" What happened Brylle?" Sumilip ako at nakitang magkatabing  nakaupo sina Zeke at Brylle.

" I just miss them a lot" tumango si Zeke.

" I miss my family too but what you did to your mother is..." napatigil siya sa pagsasalita at naghanap nang tamang word na sabihin.

" Where is mama? I think I hurt her." Lumabas ako sa pinagtataguan ko at napatingin sa kanila na may naluluhang mata. Nang makita ako ni Brylle ay umiyak ulit ito tsaka tumakbo papunta sa akin. Muntik pa itong madapa, buti nalang naalalayan ito ni Zeke.

" Mamaaa! I'm so sorry mama!" Hagulgol ulit nito. Kanina pa siya umiiyak at natigil lang siya nung nakatulog siya. Hinagod ko yung likod niya habang umiiyak parin ako.

" It's not your fault baby. It's okay. I'm sorry too." Hinigpitan ni Brylle ang yakap sa akin.

" I don't mean to say the words I said. I just miss you" Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang pisngi nito.

" I know Brylle" tinignan ko yung mukha niya at hinalikan yung pisngi niya at muli siyang niyakap.

" Namiss din kita Brylle. I'm sorry." Humalik din siya sa pisngi ko.

" It's not your fault mama" ngumiti siya sa akin.

" I love you!" Ngumiti ako at pinunasan ang basa kong pisngi.

" I love you too!" Nagyakapan ulit kami. Tumingin si Brylle kay Zeke.

" Can you be my papa" natigilan siya pero ngumiti din.

" Of course, Brylle" hinila ni Brylle si Zeke para sumali sa yakap namin.

" I'm with papa and mama" napangiti ako sa sinabi nito.

" I'm always here with you, Brylle." Pinanlisikan ko ng mata si Zeke nang akmang yayakapin din niya ako.

" Subukan mo lang" bulong ko. Ngumisi lang siya at niyakap parin ako.

Hindi ko napansin na umalis si Brylle sa yakap namin at ang kinalabasan ay magkayakap kami ni Zeke.

Malakas kong tinulak palayo si Zeke at iniwas ang tingin ko. Hindi ko alam pero bakit parang namumula ako.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now