Kabanata 65

21.7K 714 78
                                    

Actually...

Nakatulog ako sa bisig ni Keian. Dahil na din siguro sa kulang ako sa tulog.

Bakit madalas akong makatulog pagkatapos umiyak???

Nagising ako na may feeling na may nakatitig sa akin kaya tumingin ako sa may kanan ko.

Nandun si Keian na nakapalumbaba at nakatingin sa akin.

.
.
.

Napapikit pikit ako.

Ano gagawin namin? Magtititigan lang???

" Keian?" Bigla siyang ngumiti at lumapit ang ulo sa akin.

Nagulat nalang ako nang hinalikan niya ako sa labi.

Malapad ang ngiti niyang lumayo sa akin.

" Hi"

" H-Hii?" Anyare? Good mood yung kaharap ko ah.

He chuckled as he saw how confused I was.

" I'm just happy to see you again" wika nito.

Dahan dahan akong ngumiti dito.

" Me too?" Tumayo siya tsaka pumunta sa kabilang bahagi ng kama tsaka niyakap ako mula sa likod.

Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makahinga nang maayos.

Tumagal kami sa ganoong posisyon hanggang sa magsalita siya.

" I'm sorry. I'm really sorry. Dapat hindi ako pumunta sa France. I should have talked to you" napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin.

" It's okay, Keian. Naiintindihan ko. Alam ko namang ganoon ang magiging reaksyon ng kung sino mang pagsasabihan ko---" napatigil ako sa pagsasalita nang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin tsaka pinisil yung kamay ko.

" Don't say that, Nass." May pagkainis na sabi nito.

" I'm mad at myself, for reacting that way." Bumuntong hininga siya at sinuksok ang mukha sa leeg ko.

" I'm just scared that you'll never stay by my side again after what I've done..." ramdam ko ang hininga ni Keian sa leeg ko habang nanatili kaming dalawang tahimik.

" I was fifteen when my grandfather told me I'm ready to have my 'initiation'. Naexcite ako nang marinig iyon dahil pagkatapos ng limang taong pagt-training ay makakasama na ako sa Il Massimo Impero" naramdaman kong mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko habang nakikinig.

" Pero nung nakita ko yung mommy mo, nagdalawang isip ako. I know that she's not a bad person. Lolo have to shot her kasi hindi ko mapatay. After that, I rushed to her side, hoping to save her life pero bago pa ako tuluyang makita ay hinila na ako palayo ni Lolo"

" Pagkatapos noon ay unti unti kong nalalaman ang mga sikreto ni Lolo. And I hated him for that. Nung nageighteen ako, dapat kami kami lang ng pamilya ko ang magc-celebrate pero dumating si Lolo." Kumuyom ang kamao ko, hinding hindi ko makakalimutan yung araw na iyon...

" He killed my family. I needed to get out of there, ayokong panghabambuhay ko siyang kasama. I can't find any home for 2 years until I met Brylle. Tapos pinatuloy kami ni Tiya" huminga ako nang malalim para hindi mapaiyak muli.

Hinarap niya ako sa kanya tsaka sinandal ang ulo ko sa dibdib nito habang hinahagod-hagod ang buhok ko.

" I was eighteen when my mother died. It took us almost 3 years to get ready for our revenge in Il Massimo Impero. He deserve to die. Nakita ko karamihan sa mga transactions niya... and I promised myself na hindi ako magiging katulad niya" pinagtagpo niya ang mga noo namin habang nakapikit.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now