Kabanata 55

20.8K 685 257
                                    

Nagising ako nang mga 2:45 AM at hindi na ako makatulog pagkatapos noon. Madilim ang buong kwarto at sa tingin ko ay may tauhan na nagpatay ng ilaw.

Medyo nawala na ang sakit ng ulo ko at pagkahilo pero minsan kikirot talaga siya.

Magisa lang ako sa isang tahimik na kwarto...

I know na sinabihan ako ni Keian na magstay sa kwartong ito but I just feel so restless.

And I'm not the person who really follows one's order. Madalas kong sinusunod yung instinct ko or yung nararamdaman ko.

Yeah... I know. I'm stubborn.

Kaya tumayo ako mula sa kama at lumabas ng kwarto taliwas sa sinabi ni Kei.

Ahihihihihi.

It's pretty dark at tahimik lang ang buong headquarters. Mukhang natutulog na yung mga tauhan.

Although alam ko namang may nagbabantay parin na pailan ilan at sana hindi nila ako makita.

" Ma'am" napasinghap ako at kaagad na napahawak sa dibdib nang may tumawag sa akin.

Nanlalaki ang mata kong tumingin kay kuyang nanggulat.

May hawak siyang flashlight at halatang nagulat din siya nang makita ako.

" Kuya naman, aatakihin ako sa puso dahil sa iyo eh" ngumiti si kuyang guard. Medyo bata pa siya, siguro mas bata pa sa akin. Bagong recruit siguro.

" Sorry ma'am pero inutusan po kasi kami ni Maître Andrew na huwag kayong hayaang makalabas ng kwartong ito" ngumuso ako dito.

" Init na init na kasi ako eh, gusto kong maligo sa kwarto ni Keian nang ganito kaaga para presko. Nandun kaya yung damit ko" dahilan ko dito.

" Pero ma'am---"

" Gusto mo kuya samahan mo ako"

.
.
.

" A-ANO PO?! U-uhmm, hi-hindi po pwe----" nakangiwi kong ginagalaw galaw yung kamay ko sa harap niya.

" Naku kuya mali yung inaakala mo huhu. Mali yung pagkakatanong ko sorry." Narealize niya yung sinabi ko at napabuntong hininga.

Hayst...

" I mean, samahan mo akong pumunta sa kwarto ni Keian, kung ayos lang sa'yo, hintayin mo akong makatapos tsaka tayo bumalik dito" napaisip siya sa sinabi ko, pumayag ka please, pumayag ka please. Napakamot siya sa batok.

" Sige ma'am. Samahan ko na po kayo, madilim din kasi sa labas tsaka madami din namang nagbabantay ngayon." malawak akong ngumiti.

" Yes! Ay ano--- sige kuya tara na" sinumulan kong maglakad at nakasunod lang siya sa akin.

Pumasok kami sa may backdoor nung mansyon at umakyat papunta sa kwarto ni Keian.

" Hintayin po kita dito" nakangiting sabi nito.

" Pasensya na sa abala ha"

" Okay lang po iyon" binuksan ko ang pinto ng kwarto tsaka pumasok.

Tinignan ko yung kabuuan nung kwarto, naghahanap ng pwede kong magamit.

Pumunta ako sa may cr at binuksan ang shower. Sayang yung tubig kaso lang kailangan kong gawin ito.

Naglakad ako papunta sa walk in closet ni Keian at naghanap ng damit.

I'm pretty sure na walang cctv dito sa kwarto at nung naglakad kami papunta dito kasama yung tauhan ay tinignan ko kung saan nakalagay yung mga cctv.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon