Kabanata 49

21.5K 781 206
                                    

" Oy Nass, ano yan? Miryenda?" Kumikislap ang matang tanong ni Steven tsaka mabilis na lumapit sa amin ni Devon na may hawak na tray.

" Teka, nagluto din si Devon?" Inosenteng tanong din nito na tinignan nang masama ni Devon.

" Paano kung sabihin kong ako nagluto nito?" Inis na tanong nito.

" Eh ikaw ba?" Pang-aasar ni Steven.

" Hindi, pero atleast tumulong ako!"

" Hindi naman pala ikaw eh!" Nagsimulang tumakbo si Steven at mukhang gustong habulin ni Devon pero napatingin ito sa hawak na tray tsaka tumingin sa akin.

Pilit akong ngumiti dito.

" Sige hawakan ko na din yan" sarkastiko kong sabi. Kinindatan niya ako tsaka binigay yung isa ding tray na ikinasimangot ko. Pagkatapos ay tumakbo para habulin si Steven.

Nagj-joke lang naman ako eh. Huhu.

" Let me help you with that" gulat akong napatingin kay Theo na sa isang iglap ay nasa tabi ko na.

" Ay! Myghad. Huwag ka namang susulpot agad agad Theo!" Sambit ko dito.

Mukhang nahiya naman ito at napatungo.

" S-sorry" halaaa.

" Uy! Hindi ako galit. Eto oh, kunin mo na yung isang tray para hindi ka na malungkot" bakit parang feeling ko yung pagkakasabi ko nun ay parang bata yung nasa harap ko?

Tumaas ang tingin ni Theo at masayang kinuha yung tray na hawak kanina ni Devon.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero wala sa sarili kong na-pat yung ulo niya na para talagang bata.

Lumungkot ulit yung aura niya.

" Bakit feeling ko you think of me as a kid?" Malungkot na sabi nito.

Pumikit pikit ako tsaka mas ginulo ang buhok nito.

" Okay lang iyan, cute ka naman" nanlaki ang mata niya at mukhang namula pa.

Kaagad siyang tumalikod sa akin, hawak pa rin yung tray.

" S-saan ba ito ilalagay" ngumiti nalang ako dahil sa aksyon niya tsaka nilibot ang paningin para tignan kung saan pwedeng ilagay yung mga tray.

" Dun nalang sa may covered field. May lamesa naman doon diba?" He gave me a side glance then nodded.

Nauna na siyang naglakad papunta doon habang nakasunod lang ako sa kanya.

" Hey" may humawak sa braso ko kaya tumingin ako dito.

" Zeke?" Ngumiti ito sa akin tsaka kinuha yung hawak kong tray.

" Ako na magdala neto" sabi nito.

Napakamot ako ng batok at hinayaan nalang siya.

" You made this?"

" Hmmm. Tinulungan ako ni Devon" nagulat si Zeke sa sinabi ko.

" Si Devon?!" Kinunutan ko siya ng noo.

" Yes. Bakit ano bang meron?" Takot na takot siyang tumingin sa akin.

" S-siya ba nagtimpla nito?" Kinakabahan nitong tanong.

Umiling ako dito.

" Tinulungan niya lang akong maglagay sa dough nung filling." Bumuntong hininga siya at napahawak pa sa dibdib.

" Ghad. Buti naman" kinunutan ko ito ng noo.

" Bakit naman?" Ngumisi siya sa akin tsaka tinignan si Devon na tumatakbo pa rin at hinahabol si Steven.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now