Kabanata 68

19.3K 632 265
                                    

Wala akong nagawa, pilit na pianapasok sa isip ko ang mga nangyayari.

" Nass" gulat akong tumingin kay Zeke, hindi pa rin malinaw ang isip ko.

Gulat din sa akin habang yakap yakap ako ni Diego at parang hinahalikan pa ang leeg ko dumilim ang paningin nito at kaagad na hinila paalis sa akin si Diego at binalibag sa may pader nung cafe.

Napasigaw yung mga taong nasa loob at dali-daling tumakbo palabas.

" Bastard!" lumapit si Zeke sa nakahilatang si Diego at sinuntok ito.

Natulala nalang ako sa sahig...

" What are you doing here?!" ngumisi si Diego kay Zeke at sa isang iglap ay may mga lalaki ang nagtutok ng baril kay Zeke.

Napansin kong mabilis na pumasok si Maxence sa cafe at tinutukan ng baril niya ang isang lalaking may hawak din ng baril.

They are clearly outnumbered.

Narealize ko namang hindi niya kasama si Brylle.

" Maxence! Nasaan si Brylle!?" nag-aalala kong tanong dito. Lumingon siya sa akin.

" He's with the guards. don't worry he is safe" bumuntong hininga ako pero hindi nawala ang pag-aalala ko.

Tumayo si Diego at idinura ang dugo na nasa bibig.

" You're outnumbered, what are you gonna do about it?" nakangising tanong ni Diego. Ngumisi pabalik si Zeke.

" In case you don't know. Kei's family owned this mall" pagkatapos niyang sabihin iyon ay may lumabas na mga limang tauhan sa may kusina.

Sa hindi malamang dahilan ay tumawa si Diego.

" Look outside" Lumingon ako sa labas nung cafe at nakita kong nasa labas si Brylle kasama ang isang guard na may baril na nakatutok sa sentido nito.

Lumaki ang mata ko.

" Brylle!" humarap ako kay Diego.

" Huwag mo siyang idamay Diego! Tumigil ka na!" ngumiti siya sa akin.

" Nice acting Pat. I'll wait for you at the Il Massimo Impero. Let's do the plan together." kinakabahan akong tumingin kila Zeke at Maxence na nagtatakang nakatingin sa akin ang mata.

Hindi totoo iyon!

" You will let us go, don't worry, aalis kami dito sa mall. Or kung ayaw niyo kaming paalisin" sumenyas ito kay Brylle na grabe na ang iyak at sa tingin ko ay sinisigaw nito ang pangalan ko.

Nanghina ako sa kalagayan ni Brylle.

" Please, Zeke, Maxence" umigting ang panga ni Zeke at napakuyom ng kamao.

" Go" galit na sabi ni Zeke kay Diego.

Ngumisi ito at umalis na nga palabas ng mall.

Kaagad akong lumabas sa cafe at hinila si Brylle palayo sa guard na may hawak sa kanya,

Ngumisi sa akin yung guard tsaka umalis na parang walang nangyari.

" Mama, I'm scared" niyakap ko siya nang mahigpit.

" I'm sorry Brylle" hinayaan ko siyang umiyak sa dibdib ko.

Kahit hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ganoon ang kinwento ni Lolo kay Diego.

And the fact that Keian and Diego are... step brothers.

" Nass. Say goodbye to Brylle. Kailangan mo nang umuwi. Si Maxence na ang maguuwi sa kanya" Ramdam ko ang panlalamig niya sa akin, dahil na din siguro sa nasabi ni Diego.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon