Kabanata 52

20.2K 792 97
                                    

Third Person's POV

Nang mapansin ni Theo na parang namumutla si Nassandra ay nag-alala na siya.

Pero nang mapahawak ito sa pader ay alam ni Theo na mayroong mali dito.

Kaya nang mapaupo si Nassandra ay kaagad niya itong inalalayan. Kahit anong tawag niya ay hindi siya pinapansin nito at nakatingin lang sa likod niya.

" What happened?!" Magkasabay na lumabas sina Zeke at Kei mula sa kwarto ni manang at nadatnan nila ang halos wala nang malay si Nassandra.

Nagtaka si Theo dahil nakatingin si Nassandra sa likod niya pero nang tumingin siya dito ay guard lang naman ang nandoon na hindi alam ang gagawin sa nangyayari.

" Nass!" Lumapit si Keian kay Nassandra at hinawakan ang pisngi nito.

" Baby, are you okay?" unti unti namang pumikit si Nass.

" Sh8t" mabilis na binuhat ni Keian si Nass sa katabing kwarto na nasa infirmary.

Nagtaka naman si Theo dahil sa amoy ng alcohol sa damit ni Nassandra. It's smell is familiar for him.

Mabilis na sumunod si Theo at Zeke kay Keian.

Chineck naman ni Theo ang vitals ni Nass. Mabilis ang tibok ng puso ng babae at bahagyang elevated ang blood pressure.

" What happened to her?" Tanong ni Keian kay Theo. Bumuntong hininga si Theo.

" I don't know. Nagk-kwentuhan lang kami tas bigla siyang parang nahilo. I can run tests on her, if you like. Pero posibleng fatigue lang ang cause nung pagiging unconscious niya"

Or not...

" Do everything that you have to" saad ni Keian sabay hawak sa balikat ni Theo.

" Of course I will" tumango si Kei at lumapit kay Nassandra na nakahiga sa kama.

Hinawakan nito ang pisngi niya.

" Tawagin mo ako kapag tapos ka na sa tests. I just need to do something important" sabi nito kay Theo.

" Okay Kei" hinalikan ni Keian sa noo si Nassandra bago lumapit kay Zeke na nasa may pinto.

" Stay with manang. See if she'll be able to talk on the next few hours" tumingin siya kay Theo na parang tinatanong kung tama ba yung sinabi niya kay Zeke at tumango si Theo.

" Sige" paalis na sana si Kei pero hinawakan ni Zeke ang braso nito.

" Anong gagawin mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Zeke.

" Father." Kaagad na naintindihan ni Zeke kung ano ang ibig sabihin ni Kei kaya binitawan na niya ito at hinayaang maka-alis.

Lumapit si Zeke kay Nassandra at hinawakan ang kamay nito.

" Take care of her"

" I will" ngumiti si Zeke kay Theo tsaka bumalik na sa kwarto ni manang.

Huminga nang malalim si Theo bago tumawag ng tauhan na may alam sa labratory para matest si Nassandra para malaman ang dahilan ng pagkahimatay niya.

---

After seeing the results of Nassandra's labs...

Dumilim ang ekspresyon ni Theo at kaagad na lumakad papunta sa kwarto ni manang.

Nung pumasok siya sa kwarto ay nakita niyang natutulog si manang habang nakaupo at nagbabantay si Zeke sa tabi.

" Theo? Uhmm. Hindi pa din nakakapagsalita si mana----" pumunta sa may kama si Theo at tinignan ang ilalim nito pero wala namang nandoon.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now