Kabanata 45

21.7K 793 129
                                    

Iika-ika akong tumakbo papunta sa kwarto ni Zeke.

Nang nasa pinto na ay kumatok-katok ako dito na parang may humahabol sa akin.

Mabilis ang pagbagsak ng mga luha galing sa mata ko.

" Okay, okay! I'll come out. Just wait a sec!" rinig kong sigaw ni Zeke galing sa kwarto.

I anxiously wait for him to open the door.

At nang mabuksan na niya ay kaagad akong pumasok at mabilis na yumakap dito.

" N-nass?" gulat at kinakabahan nitong tanong.

Narinig ko ang pagsara niya ng pinto at pagbabalik sa akin nung yakap ko.

Gusto ko lang ng kasama... Isang taong naniniwala sa akin.

Umiyak ako sa balikat nito.

Pilit na bumabalik ang ala-ala nung nangyari kanina.

Tinapik ni Zeke ang likod ko.

" Nass? Anong problema?" umiling ako dito. Ipinapahiwatig na ayaw ko munang ikwento kung ano ang nangyari.

" Okay, Nass. Tahan na"

Nakayakap pa rin sa akin na humiga ito sa kama. Kaya ako, napahiga na din.

" Shhh..." kasabay ng pagtapik nito sa likod ko ay doon ko isinasabay ang paghinga ko para tumahan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kama ni Zeke...

---

Third person's POV

Maingat na umupo sa kama si Zeke para hindi magising si Nassandra na nakahiga ngayon sa kama niya.

' Ano ang nangyari kay Nass?' iyan ang iniisip ni Zeke habang pinagmamasdan ang natutulog na pigura ng maid ni Kei na tinuring niya na ding kaibigan.

Grabe ang takot sa mata ni Nass nang makita niya sa harap ng pinto ng kwarto niya.

" Anong nangyari, Nass?" ang nasambit niya sa kawalan.

Maya maya ay may nakita siyang luhang tumulo sa mata nito kaya marahan niya itong pinunasan.

His hands remained in Nassandra's cheeks.

Bumalik ang isip ni Zeke sa araw na una niyang nakita si Nassandra.

Yes, it was quite entertaining to see Nassandra become annoyed, for him. Pero gusto niya talagang tulungan si Brylle. May particular na bata siyang naaalala dito.

At nang makita nito si Nassandra sa ospital, mas ginusto pa niyang tulungan ang mag-ina. He's not sure on why he did that pero feeling niya ay may mangyayaring kung ano kung papasok si Nassandra sa buhay nila.

And he was right. Bringing Nassandra into this mansion changed their lives. Especially Kei's.

His dear friend is a terror but he knows that Keiranz has a really deep and kind heart.

Just like Kei's mom.

Not to mention ang napapansin niyang minsanang pagngiti ni Kei kapag mag-isa lang ito.

Napailing si Zeke sa naisip na ala-ala. Sabay ngiti.

Talaga kasing nagtago si Zeke sa office ni Keiranz para lang makita yung mag-isang pagngiti nito.

At hindi niya iyon pinagsisihan kahit na nahuli siya ni Kei na nageespiya sa kanya.

Kasi sa isip niya...

' Parang baliw si Kei, ngumingiti mag-isa. Wala na. Nahulog na'

And he find that very entertaining, as a matter of fact, may video siya ni Kei. Gusto niyo makita???

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon