Kabanata 62

20.2K 732 53
                                    

This chapter is dedicated to @elvirabacerdo. Thank you for the votes:)))

" Happy 18th Birthday, Pat" malapad akong ngumiti kila Mama, Papa at Kuya na nasa harap ko.

May hawak si Papa na paborito kong flavor ng cake.

Kahit na simpleng celebration ng debut ko ay ayos na. Basta magkakasama kaming apat.

" Make a wish, sweetie" pumikit ako at nagwish.

Nagwish na sana magpatuloy pa ang pagsasama naming apat nang tahimik at walang gulo. Na sana pansinin na ako ng crush ko. Hehehe. Sana humaba pa ang relationship nila kuya at ng best friend ko at sana hindi kami mahanap ni Lolo.

Pero pagkamulat ng mata ko ay para bang walang saysay yung wish ko dahil nanlaki ang mata ni Mama at Kuya habang pumunta sa harap naming tatlo si Papa para protektahan kaming tatlo.

" Dad. Anong ginagawa mo dito?" May diin sa boses ni Papa.

Simula pa bata si Papa ay ayaw na niyang sumama sa Il Massimo Impero. Ayaw niyang pumatay ng inosenteng tao taliwas sa ginagawa ni Lolo.

Ngunit dahil sa utang ng loob na pagpapalaki ng maayos ni Lolo kay Papa ay wala siyang nagawa. Lalo na nang mamatay si Lola.

Ngumisi si Lola, kasama ang mga tauhan niya sa likod.

" Birthday ng apo ko at hindi niyo ako inimbita? Aba! Kailangan kong dumalo"

" Hindi ka invited kaya hindi ka welcome dito!" Galit na sabi ni kuya kay Lolo. Tinakpan naman ni Mama ang bibig niya.

Tumingin si Lolo kay kuya.

" Khalil. Hindi mo pa rin ba gusto ang lolo? Ang dami na kaya nating napagsamahan. Tignan mo nga si Pat, mahal na mahal ako"

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon