Kabanata 42

21.8K 762 89
                                    

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maalala ko na kung sino nga ba si Diego Evans. Para akong naging statwa dahil hindi man lang ako makagalaw.

Isang tao sa nakaraan ko. Isang napakahalagang tao...

" You're alive? What---" *bang* " Kei!"

Naputol sa pagsasalita si Diego nang nakita kong dumating si Maxence na binaril ang lugar kung saan malapit si Diego.

Kasama nito ang mga lalaking naka itim na suit at lahat ng baril nila ay nakatutok kay Diego.

" Sh8t" tumingin si Diego sa mga kasama niya.

" Retreat!" utos nito tsaka mabilis na nagpulasan ang mga armadong lalaki.

" Alpha, should we shoot them?" tanong ng isang tauhan nila Keian.

" No. Let them be... For now" malamig na sagot ni Keian.

" This is not the end Marques!" nagsimulang tumakbo si Diego kasama nung iba pero matagal muna siyang tumingin sa akin at nakita ko na naman yung mukhang inosente niyang mukha.

Nagkatitigan kami bago siya tuluyang makatakas.

Nanigas lang ang katawan ko at walang ganang magsalita o gumalaw.

Lumapit si Maxence sa amin.

" I'm sorry we're late, Alpha" bahagya pa itong yumuko sa harap namin. Napasinghap si Keian at pinanlisikan ng mata si Maxence pero walang sinabi.

Maya maya ay kumalma siya at nagblangko ang mukha.

" Clean this place up. See if there's someone still alive. Immediately send them to the hospital"

" Yes, Alpha" lumayo sa amin si Maxence at lumapit naman sa mga kasama niyang lalaki.

" Are you okay?" napatingin ako kay Keian, nanlalaki pa din ang mata.

Ngumiti ako dito at tumango.

Pagkatapos noon ay malamig niya akong nilayuan. Tsaka parang may kung ano sa tingin niya sa akin. Siguro dahil kilala ko yung kalaban nung mafia nila.

Nanghihina akong napaupo sa malamig na sahig. Punong puno ng katanungan ang isip.

Tumingin ako sa maglolang wala nang buhay ngayon at hindi ko maiwasang malungkot.

Isa isa na ding mga nagsilabasan yung mga taong nakatago. Kasama na doon yung nakalaban namin sa may shooting area. Buti naman at hindi lahat ng tao, namatay.

Ako ang una niyang nakita at gulat na gulat ang ekspresyon niya.

" Mas magaling pa kayong bumaril sa akin" parang kinilabutan nitong sabi tsaka tumakbo paalis. Siguro ay dahil napanood niya yung engkwentro kanina.

Napabuntong hininga ako tsaka ibinaon ang mukha sa nakataas na tuhod.

Hindi ko maintindihan kung ano ba yung nararamdaman ko eh.

Galit, lungkot, pagtataka at pagkatakot.

Galit dahil bakit kailangan pa nilang mandamay ng napakaraming tao?! Edi kung ang mafia ni Keian ang pinupunterya nila edi sana sila lang ang idamay nila.

Nakakalungkot lang na madaming tao ang namatay. Dahil wala akong nagawa para sa matulungan sila. Feeling ko wala akong kwenta...

Bakit parang si Diego ang pasimuno ng lahat ng ito? Hindi ko maintindihan. Siya ang naging best friend ko since 6 years old at sa labinisang taon naming pagsasama, alam kong hindi siya ganito kasamang tao. Bakit???

Nasa pinakaloob-looban ng puso ko ang takot. Gusto ko nalang umalis dito. Gusto ko nalang tumakbo palayo sa realidad. Bumalik sa dating masayang buhay kung saan walang mga baril at patayan. Kung saan makakapamuhay ka nang normal.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon