Kabanata 25

27.2K 978 99
                                    

Hinintay kong lumabas si Keian sa kwarto tutal mukhang meron siyang dapat gawin.

Tinitigan niya ako nang matagal bago bigla akong buhatin nang bridal style.

" Oy! Saan mo ako dadalhin?" Angal ko dito. Kaagad akong napahawak sa leeg niya sa takot na mahulog. Hindi ba ako mabigat?!

Tahimik lang siyang naglakad palabas ng kwarto nang hindi sinasagot ang tanong ko.

" Huy!" Tinignan niya ako nang masama kasi nagpumiglas ako habang buhat niya.

" Stop moving or else..." umirap naman ako.

" Or else ano?" Matapang kong sabi. Linapit niya yung bibig niya sa tenga ko at bumulong.

" Or else I'll kiss you" bigla akong namula at napatahimik sa sinabi niya.

Ngayon ko lang din napansin na nakatingin sa amin ang lahat ng tauhan niya na madadaanan namin.

Mas lalong namula ang mukha ko, baka kung ano isipin nila.

Sumakay siya sa elevator at hindi man lang ako binaba kahit nanditi kami.

Pinalo ko yung dibdib niya.

" Uy, ibaba mo na nga ako" nakatingin lang siya nang diretso at wala man lang ginawang aksyon.

" Keian" sabi ko sa naiinis na tono. Inis din siyang tumingin sa akin.

" Baby, you're still not supposed to be walking. Baka mamaya mahilo ka pa, hindi pa ganoong galing yung sugat mo" seryoso nitong sabi na may tonong sinasabi na dapat alam ko iyon. Naintindihan ko naman yung sinabi niya pero inirapan ko parin siya.

Bigla akong nahilo at napasandal sa balikat ni Kei. Saglit siyang tumingin sa akin. Dahil siguro nasa elevator kami.

Nanatili akong nakasandal sa kanya at muli ay naamoy ko yung pabango niya. Nagrelax nalang ako sa bisig niya. Hayaan ko nasiya kung mabigatan siya sa akin.

*ting* nakita ko na dumating kami sa may 5th floor tsaka bumukas yung pinto nung eleavator.

Casual siyang naglakad palabas nung elevator.

Nagulat naman ako na yung isang buong floor ay isang office lang.

May mga partitions sa buong floor at sa gitna ay may mga upuan at malawak na table. Conference area siguro iyon.

May mga malalaking stalls naman at doon ko nakita yung mga kaibigan ni Keian na lahat ay nakatingin sa amin.

Bawat stalls ay may iba't ibang design at mga gamit na nakalagay doon.

It's either knives, guns, bombs, nunchucks etc. I think kung ano yung nasa stall nila, yun yung specialty nila.

Nanlalaki ang mata kong binalik yung mga stares nila.

Nakangising lumapit sa amin si Steven.

" Boss, bagong kasal?" Natatawa nitong sabi. Hindi siya pinansin ni Keian at naglakad papunta sa gitna nung floor.

" Sorry Kei, naistorbo ko kayo" tukso naman ni Zeke at tinignan ko nalang siya nang masama. Hindi parin namansin si Keian.

" Ohhhhh. Anong ginawa nila Nic?" Nagtawanan silang dalawa.

Binaba ako ni Kei at pinaupo sa upuan malapit sa nagiisang gitnang swivel chair sa lamesa.

" Aray!"

" Ow!" Napadaing yung dalawa nang batukan sila ni Devon tsaka tahimik na dumiretso sa pwesto namin. Umupo siya sa pangatlong silya sa kanan. Kalinya ko.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now