Kabanata 11

29.6K 1K 65
                                    

Habang nakatayo lang ako doon ay may dumating na dalawang lalaking naka black na suit.

" Maître?" Sabay nilang sabi.

" Call Katie ang Theo now!" Nagmamadaling sabi nito. May pinindot sa isang smartwatch yung isang guard.

" Where are the other guards?" Galit na sabi nito. Nagkatinginan yung dalawa.

" The others have fainted and are injured" napakuyom ng palad si Maître Andrew

Bumukas ang ilaw at dumating sa sala si Zeke at isang babae na mukhang mas bata sa kanya at kamukha niya. Nalinawan ako na si manang nga ang nakahilata at mayroon siyang sugat sa ulo. Punong puno ng dugo ang sahig kung saan nakahilata si manang.

" Manang" saad ni Zeke. Nakayakap si Maître Andrew sa kanya at galit na galit ang mukha.

" Shit, her pulse is getting weak!" Sigaw nito at ibinaba si manang sa sahig. Lumapit si Zeke sa matanda at hinawakan ang pisngi nito, paulit ulit na sinasabi ang 'no'.

" Where is the freaking doctor!?" Marahas na tumingin sa mga guards si Andrew.

" Papunta na daw po sila, maître." Sabi nung isa.

" Pakisabi na bilisan nila!" Nawawalang pasenyang sabi nito.

Dumating ang tatlo kong kasamang maid at napasigaw si Jane.

" Manang" natulang sabi ni Nathan. Nagsimula silang umiyak at tinignan kami nang masama ni Andrew.

" Get them out of here" walang emosyong sabi nito. Lumapit sa amin ang guards at pinaalis kami sa sala. Umiiyak na sumunod yung tatlo habang ako ay nakatayo lang. Sinabihan nila ako na umalis na pero nanatili lang akong nakatayo.

" No, I can save her" saad ko. Napatingin sa akin silang lahat. Tinaasan ako ng kilay ni Andrew.

" Get out of here!" Sigaw nito at hinila na ako nung mga guards pero nagpumilit akong kumawala.

" I can save her!" Sabi ko ulit.

" Shut up" hindi ako nagpatinag sa sinabi nung amo ko.

" Kaya ko siyang iligtas!"

" You are just a freaking maid who wants to say that she can save manang but really can't. Paano mo siya maliligtas? By god?!" Galit na sabi nito at natigilan ako. Anong sabi niya?

Napakuyom ako ng kamay.

" Panigurado na galing pa sa malayo yung tinawag niyong doktor at mamaya pa sila makakarating. Kapag dumating sila ay naubusan na nang maraming dugo si manang at pwede mawalan na siya ng hininga" inis kong sabi. Tinignan ko si Zeke. Hinihiling na maniwala siya sa akin.

" Get out----"

" Kei, please" napatingin si Andrew kay Zeke.

" Give her a chance" naiiyak na ito at nakayakap lang kay manang. Tumingin sa akin ng masama si Andrew.

" If you kill her--- I swear. It will be your same fate" banta nito. Tumango naman ako tsaka lumapit sa katawan ni manang.

Namention ko na ba na doktor ang magulang ko? Everytime na nagsusurgery sila ay hinahayaan nila akong manood.

Tinignan ko yung sugat sa ulo ni manang, dumudugo parin. Kinuha ko ang panyo na nasa shorts ko at tinakpan yung sugat.

" Mukhang may tumama sa kanyang matigas na bagay" tinignan ko ang buong katawan ni manang, sinusuri kung may iba pa siyang sugat.

Napansin ko na dagger malapit sa kanang kamay niya. Naalala ko yung lalaking nakita ko kanina.

Tumingin ako kay Zeke.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon