Chapter 71

108 13 0
                                    

Mika's POV

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko ng magising ako.

"How's your sleep baby?", tanong ni Shawn na nasa tabi ko.

"Bitin..", natatawa kong saad tyaka sumandal sa balikat niya.

"You can sleep until we reach the Philippines", nakangiti niyang saad sabay halik sa noo ko.

Kanina pa kami nasa eroplano pauwi ng Pilipinas. After kasi ng shift ko sa hospital ay agad na kaming dumiretso sa flight namin kaya heto antok ang inabot ko.

"25 mins bago tayo lumapag ng Pilipinas", saad niya.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa sinabi niya. I'm excited yet nervous, its been a years simula ng lisanin ko ang Pilipinas ng walang paalam sa iba at ngayon nagbabalik ako. Ano kayang mga pinagbago dito, sobrang dami na kaya?

"Baby I guess alam mo pa ang pauwi sa inyo", natatawang komento ni Shawn.

Alam ko pa naman, yata!

"May google map tyaka waze...", saad ko.

Hindi kasi kami nagpasundo kina mama at paa dahil hindi naman nila alam na ngayon ng uwi namin kasi ang alam nila ay next week pa.

Surprise?!

After a mins. of flight ay nakalapag na ang eroplano at nakababa na kami.

Nakakamiss ang amoy ng Pilipinas.

Amoy usok? De joke lang hahahha

"Let's go?", aya ni Shawn at tumango ako bilang sagot.

Finally, nasa Pilipinas nako. Naka uwi na ako...

Kinuha niya lahat ng bagahe namin habang dala ko ang isang maleta at bag. Naghihintay sa labas ng airport ang sasakyan namin na pinahatid ni Shawn sa driver ng daddy niya.

Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay hindi ko maiwasang mamangha sa pagbabagong naganap sa Pilipinas. Mas dumami ang mga nagtataasang building at bagong mga establishimento.

"Gutom kana ba?", tanong niya.

"Drive thru?", suhestyon ko.

"Yhup hahahha nasa likod na naman kasi yung mga pasalubong and wala na naman tayong dapat bilhin pa", aniya

"Sige..", sagot habang nakatingin padin sa bintana.

"Mukhang namiss mo talaga dito baby", dagdag niya.

Sobrang miss..

"Oo sobra. By the way nakausap mo sina mama kanina? how's Heaven?", sunod- sunod kong tanong.

"Maayos naman daw at manang- mana sayo kahit saang angulo tignan", nakangiting saad ni Shawn.

Biglang sumagi sa isip ko si Renrem.

"Hm sinabi ba sayo if nagkita na sila ni Renrem?", alangan kong tanong.

"Nahhh hindi eh", biglang sagot niya.

Hindi pa pero malapit na jusmeee!

"If ever na magkita man sila o kayo, let me handle that", seryoso niyang saad.

Tumingin siya sakin.

"Pleaseee!", saad niya.

"Okay baby", pag sang ayun ko.

After an 1 and in a half hour ay nasa Bulacan na kami sa mismong lugar ko.

Di ako makapakali. Ang daming changes na nagyari dito. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

"Ilang kanto nalang at malapit na tayo sa inyo", masayang saad ni Shawn.

"Ang saya ko baby sobra", saad ko sabay yakap sa kaniya.

"Mas masaya ako na nakikita kang masaya baby", saad niya sabay halik sa tip ng ilong ko.

Ilang kanto na ang nadaan namin at natatanaw ko na din ang parte kung nasaan ang bahay namin.

Excited? Oo sobra pa sa sobra...

Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin. 9:17 am nang makarating kami dito, tulog paba sila o umalis.

Unang lumabas ng sasakyan si Shawn para pagbuksan ako. Nang makalabas ako eh ay sumagi sakin ang masarap na simoy ng hangin.

Eto na, nandito na talaga kami...

Itutuloy...




A/N: merry christmas everyone, have a nice holiday and keep safe. Enjoy every single day and don't forget to be thankful.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon