Chapter 74

102 14 0
                                    

Mika's POV

Almost 2 days na simula ng makauwi ako Pinas, masaya at the same excited na din. Pero kasi hindi maalis yung kaba lalo na't ngayon alam kong bawat maling galaw ko maaaring ikasabog ng sekreto ko.

Tinignan ko si Heaven na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. Habang ginagawa ko yun ay biglang pumasok si Shawn ng kwarto.

"Okay kana?", tanong ko.

"Yeah", saad sabay lapit samin at upo sa kama.

"Gusto ko sana sumama sa inyo magchurch kaso si dad naman bigla akong kinailangan", saad niya sabay hawak sa kamay ni Heaven.

"Its fine baby, kailangan ka ni dad", nakangiti kong saad.

"I'll be back late, don't wait for me okay?", saad niya at nag-nod ako bilang sagot.

Lumapit siya kay Heaven para halikan ito sa noo. Then umangat ang tingin niya sakin tyaka ako hinalikan sa labi.

"If there's gonna happen, call me okay?", bilin niya.

"Okay..", mabilis kong sagot.

Hinalikan niya ako ulit sa labi but this time mabagal bago siya humiwalay sa halik.

"I love you, baby", saad niya sakin.

"I love you too, mag iingat ka ah", bilin ko.

Naglakad siya palabas ng kwarto.

Alam ko na nag aalala siya sakin at kay Heaven dahil may chance na magkita kami ni Renrem mamaya. Handa naman ako para dun.

"Ate may pantawag ka?", tanong ni Fria sakin habang inaayos ko ang buhok ni Heaven.

"Yeah meron, kunin mo nalang dun sa bag ko yung cellphone ko", saad ko.

"Sige ate thank you", saad niya tyaka hinanap sa bag ko.

"Ang ganda naman ng prinsesa namin", saad ni mama kay Heaven habang sinusuklay ko ang buhok nito.

"Mana mana lang ma", natatawa kong saad.

"Sabagay mana ka sakin hahaha", saad ni mama.

"Hindi nga mapagkakamalang may anak yang si ate eh. Sabi nga ng mga ka- officemate ko nung nakita picture namin ni ate, kung bago ko daw gf hahahaha", biro ni Renz.

"Kailangan din mag ayos para hindi losyang tignan, tignan nyo mama nyo stay teen", sabat na biro ni papa.

"Hindi halata sa mukha na nasa 50's na HAHAHA", sabay dating naman ni Fria.

"Teka nga bat sakin napunta itong usapan ah", tila nakahalata si mama.

Tuloy ang aming kwentuhan habang nag aayos at naghahanda kami patungong church. Nakakamiss ang ganitong klaseng tagpo namin.


"Oh dahan dahan apo", saad ni mama habang pababa ng sasakyan si Heaven dahil nandito na kami sa church.

"Fria paalalayan si Heaven", utos ko.

Agad namang inalalayan ni Fria si Heaven pababa ng sasakyan. Busy ako sa pag aayos ng mga gamit ni Heaven sa loob at nang matapos ay bumaba na din ako. Pagkababa ko ay mga bulungan ang aking nadinig.

"Ayan na ba si Mika?"

"Oyy sobrang ganda noh"

"Anak niya si Heaven?"

"Ang laki ng pinagbago ni Mika, pero tignan mo naman hindi halatang may anak"

"Nurse eh tyaka engineer yata boyfriend niya"

Inayos ko ang damit ko bago hinagilap ng mata ko si Heaven. Pero iba ang aking nakita, si Renrem. Nakatingin siya sakin habang nakangiti.

Sakin ba siya nakatingin or what?

"BESSSS WHAAAAA", bungad ni Chy nang makita ako.

"Ang sakit mo padin sa tenga", pabiro kong saad habang kunwari tinatakpan ang tenga.

"Arte ka gurl!", saad niya.

Niyakap ko nalang siya at niyakap din niya ako pabalik.

"Nasan si Shawn at Heaven?", tanong niya.

"Ayun si Heaven kasama si Fria and si Shawn ay nasa Manila bigla kasing kinailangan ni daddy", sagot ko.

"Hi Mika"

Agad kaming napatingin ni Chy sa kung sinong nagsalita.

Its Ella...

"Hi Ella", nakangiti kong saad.

"Buti nakasama ka dito sa church, welcome", saad niya.

"Ehh, matagal ng member dito si Mika simula dalaga pa siya. Nauna pa nga siya sayo to be exact", mataray na tono ni Chy.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Ella.

"Shh.." saway ko kay Chy.

"Thank you, Ella.. Its nice to be here again after a long time", nakangiti kong saad.

"Well madaming nagbago dito as you can see. Yung dating nandito, wala na ngayon at napalitan na ng bago"

Is she pointing something?!

"But old things has its sentimental value and they are UNIQUE", sabat ni Chy na may diin bawat salita.

"Luma na kasi kaya pinalitan. If na may sentimental value pa yun sana diba kineep nalang at hindi pinalitan ng mas maganda at bago", pagpo-point niya sa word na maganda at bago.

So she want to play like this huh?!

"I need to go baka hinahanap nako ni Renrem, so see you araound Mika", saad niya sabay lakad paalis.

"Nakakainis yung babaeng yun, akala mo kung sinong mahinhin nung una eh may sa plastik naman pala", gigil na saad ni Chy ng makalayo si Ella.

"Oyy tama na nga yan, tara na pumasok sa loob, tinatawag na tayo oh", saad ko ng makitang sumesenyas si mama na pumasok na kami.

Tumakbo papalapit sakin si Heaven at niyakap ako, agad ko naman siyang kinarga.

Hindi pa yun ang huli naming paghaharap ni Ella, I expect na mas marami pa siyang sasabihin higit dun. But I'm always ready for it...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now